^

Pang Movies

Alden dedma sa pambabatikos ng Marcos loyalist!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Parehong absent sa Eat Bulaga sa kanilang Juan for All, All For Juan segment ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza last Monday, September 18, at hanggang sa ngayon kaya malaking tanong pa rin sa fans nila kung bakit sabay na wala ang dalawa. Hindi naman magkasama sina Alden at Maine pero iginawa sila ng story ng mga tagahanga.

Nasa Hong Kong si Alden umaga pa lamang ng Monday, at may post na nasa airport siya kasama ang handler niyang si Leysam Sanciangco at personal assistant Tenten Mendoza. May nakakita naman kay Maine kasama ang inang si Mary Ann Mendoza, na nasa isang hospital for a regular medical check-up.

Pero ang ikinaintriga ng fans, or sabihin na nating ikinatuwa nila na nasa Hong Kong si Alden ay kasabay ang Hong Kong Jewelry & Gem Fair doon from September 15- 19.  Kumalat agad sa social media na baka raw bumili na si Alden ng wedding ring for Maine, may nag-tweet pang sa Hong Kong din daw bumili ng wedding ring si Ryan Agoncillo for Judy Ann Santos at si Zoren Legaspi for Carmina Villarroel.

Wala namang ipinakitang ibang post si Alden maliban sa may ilang fans na nagpa-picture sa kanya.  May nagbiro pang bumili lamang ng hair brush si Alden sa isang photo niya dahil may hair brush siya sa likod, with a caption na “brush it off.” Iyon pala ay sagot niya sa mga nakarating sa kanyang pamba-bash sa kanya sa social media dahil sa pagganap niya bilang si Boni Ilagan sa docu-drama ng GMA News & Public Affairs na Alaala: A Martial Law Special.

Jak at Barbie binawalang makitang magkasama

Nakita namin si Jak Roberto na kuya ni Sanya Lopez sa isang event at biniro namin siya kung bakit hindi niya kasamang nanood si Barbie Forteza. Sagot din niyang pabiro: “bawal po eh.”

Dahil kaya malapit nang mag-showing ang first movie ni Barbie sa Regal Entertainment na This Time I’ll Be Sweeter with Ken Chan, na dinirek ni Joel Lamangan?

Lilia Cuntapay lumitaw sa pelikula nina Sanya at Jericho

Napuno ang Robinson’s Galleria Cinema 3 noong premiere night ng Amalanhig, ang horror movie na nagtampok kina Jerico Estregan (son of former Gov. ER Ejercito of Laguna) and Sanya Lopez. Maganda ang pagkagawa ng movie at tiyak na matutuwa ang mga mahihilig sa horror movies dahil talagang gugulatin sila ng mga eksena, lalo na nang lumabas na kung sino si Amalanhig.  Ang lakas nga ng tilian sa loob ng cinema.  Hindi maililihim na matagal nang natapos ang movie na produced ng Viva Films at ng production company ni Jericho, dahil buhay pa si Lilia Cuntapay.

Nakitang that time pa ay mahusay nang aktres si Sanya (time ito na ginagawa niya noon ang afternoon prime drama series ng GMA 7 na The Half Sisters with Barbie Forteza) at mahusay din si Jericho.  Present din si former Gov. ER and wife Mayor Maita.  Kung noon ay nagkaroon ng issue dahil hindi nag-attend ng presscon si Sanya, dumating naman siya sa premiere night kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Pagsanjan, Laguna na nanood ng premiere night. Kasalukuyan nang ipinalalabas in cinemas nationwide ang Amalanhig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with