^

Pang Movies

Lovi araw-araw pa ring nami-miss si FPJ

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naging emotional ang Kapuso actress na si Lovi Poe nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng isang birthday message para sa yumaong ama na si Da King Fernando Poe, Jr.

Noong nakaraang August 20 ang kaarawan ni FPJ. Kung nabubuhay pa ito, 78 years old na sana si Da King.

Sa isang puting card ay sinulat ni Lovi ang mga salita na ito:

“Thank you for teaching me how to turn scars into art.”

At ang naging caption niya sa post ay: “I miss you everyday.”

Noong December 14, 2004 sumakabilang-buhay ang Da King of Philippine Movies sanhi ng cerebral thrombosis with multiple organ failure. He was 65.

Sa wake ni FPJ sa Sto. Domingo Church unang namataan ng publiko si Lovi na anak ni Da King sa dating model-actress na si Rowena Moran. Pagtapos no’n ay ino-offer-an na si Lovi pasukin na ang showbiz.

Hindi naman itinago ni FPJ na may iba pa siyang mga anak noong tumakbo siya bilang presidente noong 2004.

Addy masaya sa relasyon nina Jak at Barbie

Masaya ang Kapuso hunk na si Addy Raj nang malaman niyang umamin na si Barbie Forteza sa relasyon nito kay Jak Roberto.

Pinaalam ni Barbie sa social media na Instagram ang kanyang relasyon with Jak nang magpalipad ito ng isang candle balloon sa Shine Festival in Indiana, USA.

Nakalagay sa candle balloon ni Barbie ay “Monay at Pandesal Sana Magtagal”.

Ayon pa kay Addy, noon pa raw nila alam na may balak si Jak na ligawan ng totohanan si Barbie after ng teleserye nila na Meant To Be. Hindi raw nila inakala na tototohanin ito ni Jak.

“We’re all happy for JakBie. It’s like may the best man win sa aming apat nila Ken Chan, Ivan Dorschner and Jak.

“There’s no hard feelings because we are all friends and we got so close kasi. So we have to be happy with the desisyon of Barbie,” ngiti pa niya.

Ayon pa kay Addy ay may plano raw na magkaroon ng part two ang Meant To Be. Pero paano ang gagawin dahil sa ending ng teleserye, si Ken ang nakatuluyan ni Barbie, pero in real life, si Jak ang pinili niya.

Taylor may pakakawalan sa pagkikita nila ni Katy Perry

Marunong talagang gumawa ng kanyang drama ang pop superstar na si Taylor Swift.

Noong nakaraang Friday, nagulat ang 102 millions of followers niya on Instagram at 85 million followers on Twitter na biglang na-wipeout ang laman ng mga ito. Pati na ang kanyang website na taylorswift.com ay biglang nagkulay black.

Inakala ng mga Swifties na na-hack ang ang mga accounts na ito ng singer.

Pero noong nakaraang Monday ay biglang nag-post sa IG at Twitter si Taylor ng isang 10-second video ng isang slithering snake on a black background.

Ayon sa ilang sources, ito ang muling pagbabalik ni Taylor sa music with a new single, a new music video at ang pag-drop ng bago niyang album in the fall.

Noong nakaraang Friday pala ang ika-3rd anniversary ng pag-release niya ng multi-platinum album niya na 1989. Usap-usapan na sa August 25 ay isang pasabog ang pag-release ni Taylor ng new single niya na may kasama pang music video.

Eksakto lang daw ang move na ito ni Taylor dahil sa August 27 magaganap ang MTV Video Music Awards sa Los Angeles. Ang balita ay darating daw si Taylor sa naturang awards night kung saan ang host ay walang iba kundi si Katy Perry.

Sa naturang awards night na kaya magaganap ang inaabangan na pagbabati ng dalawa?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with