^

Pang Movies

Richard biktima rin ng pamemeke?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dapat matuto kay Ate Vi

Muling sinampahan ng kaso ng BIR ang actor na si Richard Gutierrez. Sa pagkakataong ito, iyon daw ay dahil nagsumite siya ng mga hindi totoong dokumento ng taxes na sinasabing binayaran niya. Kabilang sa sinabi nila na mali raw ang tatak, dahil ang opisinang iyon ay hindi gumagamit ng ganoong pantatak. Iba rin daw ang pirma ng opisyal ng BIR na nakalagay sa dokumento na pinagbayaran nila.

Pero may punto riyan eh. Sigurado kasi hindi naman si Richard ang personal na nag-file ng kanyang dapat bayarang taxes. Sigurado rin na hindi niya alam kung tama ba ang pantatak o hindi, basta nakita niyang may tatak ng BIR at may pirma, ok na iyon. Kung sino ang may kagagawan noon, iyon ang dapat tuklasin at siyang ikulong. Sa kasong iyan, mukhang biktima rin lang si Ri­chard.

Sa kaso naman ng BIR, ang gusto lang nila ay mabayaran ang tamang tax na dapat bayaran. Siguro naman mapag-uusapan iyan. Kung may nanloko nga ba kay Richard na nagpaniwala sa kanyang binayaran ang kanyang tax nang hindi naman pala, siguro maidedeklarang losses iyon. Maaari naman sigurong bayaran ni Richard ng unti-unti kung ano man ang lilitaw na tax deficiency. Ganyan din ang nangyari kay Vilma Santos noong araw, at ang tanging dahilan nga ay nagtiwala lang siya nang husto sa mga taong akala niya ay inaasikaso ang lahat ng kailangan niyang bayaran sa tax.

Kaya magmula noon natuto na si Ate Vi. Nakabantay siya habang kinukuwenta ang dapat niyang bayarang taxes, at ang pinagbabayad niya ay ang kapatid niya mismo, sukdulang pumila iyon.

Julian at Ella  sinugalan

Puwedeng hindi magiging maganda iyan sa pandinig ng ibang mga fans, pero sinasabing sina Julian Trono at Ella Cruz na ini-launch bilang pinaka bagong teen idols sa pelikulang FanGirl/Fanboy, ang sinasabing siyang magiging next important screen love team.

Si Julian, hindi lang dito sa ating bansa napansin. In fact, nagtungo na siya noon sa Korea at gumagawa na ng pangalan doon bilang isang singer, kaya lang ayaw naman daw ng mga magulang niya nang malayo siya, kaya bumalik siya ng Pilipinas. Ok lang naman dahil ngayon ay napapansin ang kanyang talent at nakahanda naman ang kanyang mga producer na sugalan ang kanyang career. May talent naman talaga iyong bata.

Iyan namang si Ella Cruz, matagal na nating napapanood sa telebisyon, at ang naging problema nga lang noon ay masyadong bata pa siya sa tingin ng fans. Pero ngayon, talagang inaasahang hahataw na ang kanyang career.

Ang advantage na nakikita namin sa bagong loveteam ay ang pagiging matitinong bata nila. Hindi kagaya ng iba na kung anu-anong bisyo ang pinapasok kaya nasisira ang kanilang career.

Kung titingnan din ninyo sina Julian at Ella, napaka-wholesome ng kanilang dating. Iyan ang dapat na maging idolo ng mga kabataan, hindi iyong sa tingin mo pa lang mga mukhang hindi na naliligo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with