^

Pang Movies

John pinagdududahang bakla

Vir Gonzales - Pang-masa
John pinagdududahang bakla

MANILA, Philippines - Nakakaaliw ang isang intriguing question sa amin ng isang masugid na follower ng FPJ’s Ang Probins­yano. Ano raw ba ang ibig sabihin ng paghaplos ni John Arcilla sa pisngi ni Sid Lucero?

Sa eksena ay nag-uusap sila sa opis at umiinom ng wine. Ibig kayang ipahiwatig ng paghaplos na ‘yon ay may berdeng dugo ang government opisyal na si John Arcilla?

Well, hindi naman imposible ‘yun dahil may ganitong pangyayari ring nagaganap sa kasalukuyan.

Pero sana ay walang ibig sabihin ang haplos na iyon dahil ang ipinakikita niyang kursunada sa serye ay si Angel Aquino. Sa rami kasi ng tauhan ni John bukod tanging si Sid lang ang kanyang laging kausap at pinagkakatiwalaan.

Rita mas abala sa libro

Masasabing isa si Rita Avila sa mga aktres na may kakaibang talent. Malapit na niyang ilabas ang kanyang ikaapat na libro tungkol sa mga bata. Ito ang dahilan kung bakit bihira nang mapanood sa mga series si Rita. Abala ang aktres sa pagsusulat ng libro na kung matutuloy ay iri-release na sa September, sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Lito iba na ang destinasyon ng birthday

Wala pa kaming mensaheng natatanggap mula kay Alex Marcelino na drumbeater ni former senator Lito Lapid kung saan ba gaganapin ang kanyang kaarawan ngayong August 21. Dati rati ay sa bayan ni Lito sa Porac, Pampanga siya nagdiriwang pero ngayong abala siya sa taping ng FPJ’s Ang Probins­yano, malamang ay sa ibang lugar siya mag-celebrate.

Happy birthday Sen. Lito!

Branded bags at shoes pwedeng maging mitsa ng buhay

Nakakalungkot at nakakaawa naman ang mga napapanood sa documentary ng GMA 7, partikular na ‘yung Motorcycle Diaries ni Jay Taruc na papalitan ng Ride.ph w/ Jay Taruc.

Napakarami nating kababayan na dumaranas ng kahirapan sa buhay lalo na ‘yung mga taong nabiktima pa ng sakuna gaya ng bagyo at lindol.

Naisip tuloy namin ‘yung mga artistang nagmamayabang ng kanilang branded shoes and bags gaya ng Hermes, Chanel, Christian Louboutin, Manolo Blahnik, Balenciaga, LV at kung anu-ano pa. Sana ay maisip nilang mag-share naman sa mahihirap kesa sa magyabang.

Sa totoo mitsa ng buhay ang bag na ‘yan sa sandaling maispatan iyan ng mga magnanakaw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with