^

Pang Movies

Bait-baitan lang daw gustong manunog, live-in ni James Yap na si Michela lumabas ang kamalditahan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bait-baitan lang daw gustong manunog, live-in ni James Yap na si Michela lumabas ang kamalditahan

James Yap

Tama ang kutob ko na may kamalditahan na itinatago si Michela Cazzola, ang dyowa ni James Yap at nakumpirma ko ito nang mabasa ko kahapon sa Philippine Star ang sagot ni Papa Ricky Lo sa mga emote ni Kris Aquino dahil sa isinulat niya na no-show si Bimby sa birthday party ng anak nina Michela at James.

Lumitaw ang pagiging mapusok na Italiana ni Michela nang magbanta ito na susunugin niya ang kopya ng Philippine Star dahil hindi nice sa kanyang panlasa ang article ni Papa Ricky.

Kalurky si Michela ‘ha? Maraming beses na naglabas ng mga nice write up tungkol sa kanya ang Philippine Star na bigla niyang susunugin dahil lang sa isang article na wiz niya type, okey lang siya?

Walang ipinagkaiba si Michela sa mga artista na hindi marunong mag-thank you sa mga positive write up tungkol sa kanila pero parang mga tigre na nagwawala kapag nakanti sila ng isang beses.

Sa true lang, mahilig na rin sa publicity at feeling celebrity na rin si Michela na babait-baitan ang ipino-project na image. May kasalanan din ang media dahil nasanay at nag-enjoy ang dyowa ni James sa atensyon na ibinigay nila.

Sina Kris at James ang mga magulang ni Bimby pero si Michela ang may communication kay Kris as in playing siya na goody goody na dyowa ni James.

Paulit-ulit ko na binasa ang article ni Papa Ricky na ikinaimbyerna ni Kris at kahit saang anggulo ko tingnan, wala akong nakita na malisya o pang-iintriga.

Bigla ko tuloy na-remember si Jenny Syquia na goody goody kay Sharon Cuneta nang maghiwalay sila ni Gabby Concepcion. Nakita ko talaga sa personality ni Michela si Jenny na galit sa ama ng kanyang anak pero chummy chummy kay Sharon. Parang si Michela rin si Jenny ‘ha?

100 Tula at AWOL pinupuri

Nagsimula na kahapon ang Pista ng Pelikulang Pilipino na project ng Film Development Council of the Philippines.

Suportahan sana ng mga kababayan natin ang PPP tulad ng pagsuporta nila sa mga foreign film at sa annual film festival.

May nagkuwento sa akin na magaganda raw ang mga official entry tulad ng Triptiko, Paglipay, Pauwi Na at Patay Na Si Hesus samantalang rave na rave ng ilang mga showbiz reporter ang AWOL at 100 Tula Para Kay Stella.

Kapag nagtagumpay ang 1st Pista ng Pelikulang Pilipino, tiyak na masusundan pa ito sa susunod na taon at eventually, magiging tradisyon na ang magkaroon ng PPP tuwing Agosto.

Acting ni Yayo pansin na pansin na

Happy ang friends ni Yayo Aguila dahil na-recognize ng Cinemalaya jurors ang acting niya sa Kiko Boksingero.

Si Yayo ang yaya ni Kiko sa Cinemalaya movie na critically–acclaimed at nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress award.

Mapapanood uli si Yayo sa mainstream movie na Fangirl/Fanboy, ang launching movie ng love­team nina Ella Cruz at Julian Trono.

Matagal na rin sa industriya si Yayo kaya nakakatuwa na napapansin na ang acting ability niya. Ipinakilala noon si Yayo bilang love interest ni William Martinez sa Bagets noong 1984 at dito nagsimula ang kanilang love story. Sayang nga lang dahil humantong din sa paghihiwalay ang relasyon nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with