Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

KC napupuyat sa pagpapalaki ng ‘anak’!

KC Concepcion

Magpapakamagulang muna sa isang aso si KC Concepcion, si Churro. Naranasan kasi ni KC tumira sa isang lugar sa Manila na puwede ang pets sa bahay. ‘Yung una niyang aso na chow popo at shih tzu ay nasa inang si Sharon Cuneta dahil hindi rin siya marunong mag-alaga ng aso.

Nagbago ang pananaw na ‘yon ng anak ni Shawie nang lumipat siya sa bahay na dog-friendly ang lugar. Dahil sa tulong ng ilang kaibigan, nagkaroon siya ng puppy na pinagkakapuyatan niya ngayon.

“I have not had ANY sleep raising this little boy but I love being hands-on & learning more & more about man’s best friend. This one is surely mine! Gigillll!!!” caption ni KC sa anak-anakan.

Sharon si Robin lang ang inaasahan

Ipinagmalaki ni Sharon Cuneta ang paghanga ni Robin Padilla sa Cinemalaya movie niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Bahagi ng pahayag ni Binoe, “Very Filipino ang pelikulang ito hindi siya American style hindi rin European style umaapaw ang kultura natin dito. Sure win si mam dito napakagaling niya taas ang kamay ko sa iyo Sharon Cuneta!!”

“Thank you to my forever friend Robin Padilla for watching and posting his thoughts on our movie. Lagi ka talagang naaasahan. IKAW LANG nga ang naaasahan ko eh! Hahahaha! Thanks again. Love always,” tugon ni Shawie sa post ni Robin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Todo naman ang pasasalamat ni Shawie kay Ely Buendia na siyang lumikha at kumanta ng theme song ng pelikula. “I hope to see you real soon to give you a hug (and perhaps genuflect before you!) and a sincere face-to-face, heart-t-heart ‘THANK YOU!”

After gumawa ng indie, nagpahayag ang Megastar ng, “Next indie film for me, anyone? Veteran or newbie, big or small production company, (indie or commercial or mainstream – just give me a great story and there will be a little else to talk about—everything else will fell into place, I promise! Just ask Direk Mes de Guzman and his producer-wife Rhea.”

Bar Boys bunga ng mahigit isang taong pananaliksik

Nakadagdag ng atensyon ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry na Bar Boys nang bigyan ito ng Grade A ng Cine­ma Evaluation Board (CEB). Mula ito sa panulat at direksyon ng batang filmmaker na si Kip Oebanda.

Bida rito sina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Kean Cipriano, at Kenzo Pineda. Pumasok sa law school ang tatlo pero napag-iwanan ng isa. Siyempre, ibang klase ang atmosphere sa law school lalo na kapag graduate ka na dahil mas matindi ang paghihirap sa pagkuha ng Bar exams.

Ang isa sa dagdag na cast na kaabang-abang ay ang character actress na si Odette Khan bilang terror professor. Kinagigiliwan ngayon si Odette dahil sa pagganap niya bilang Loleng sa hit GMA afternoon drama na Ika-6 na Utos, huh!

Ayon sa pahayag ng director, mahigit isang taon siyang nagsaliksik tungkol sa buhay sa law school. Inilatag niya ito sa 2014 Film Financing Forum at nakatanggap ng suporta sa SM Foundation, Inc. Mula ito sa TropicFrills Film Production in cooperation with Wild Sound Studios at distributed ng Quantum Films.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: