^

Pang Movies

‘A million thanks’

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Napaka-naughty ng sakit na diabetes, sala sa init sala sa lamig. Pero wala kang choice kapag tinamaan ka ng sakit na ito na walang pinipili kahit mahirap o mayaman, bata man o matanda.

Dalawang bagay kaya nagkaka-diabetes ang isang tao, either hereditary o minana sa ninuno o kaya ang tinatawag na acquired, ‘yung walang pinagmanahan pero dahil mahilig sa matatamis na pagkain, kulang sa exercise para pagpawisan, ay nagkakaroon nito.

Ang acquired diabetes ang nagpapahirap sa inyong lingkod, dahil sa kakakain ko ng matatamis na pagkain, gaya ng soft drinks, ice cream, chocolates at 10 kutsaritang asukal sa isang tasa ng kape.

Tamad akong mag-exercise, hindi mahilig sa gulay at masiba sa fatty food. Almost 10 years na akong may diabetes. Noong una, ‘di pa gaano masama ang tama ng diabetes sa akin. Pero grabe na for the past three years at lalo na ngayon. Puro tablets, herbal, at syrup lang ang medication ko by Dr. Seron ng Green Pasture Mini Hospital, Golden City, Sta Rosa, Laguna. Thanks God, no insulin. At hindi lamang medication ang nagpapalakas sa akin. Pinalalakas din ng ating Divine Healer na si Lord Jesus, ang aking kinakapitan at kinukuhanan ng lakas, sa pamamagitan ni Saint Padre Pio Pietrelcina Capuchin at Saint Jude Thaddeus. At syempre salamat sa prayers ng mga kaanak, at kaibigan na talagang ang lakas ng dating sa akin. Thank you Ricky F. Lo, Ethel Ramos, na hindi nakakalimot at kay Boy Abunda na never nagbago. A million thanks kay Dolor Guevarra, ang manager ng The Face that Refreshes na si Susan Roces.

Tumawag sa akin si Emma Guevarra kamakailan habang nagmumuni-muni ako (hindi po suplada si Emma, na namamahala ng ilang mga presscon, istikto lang po siya pero may puso). Just to say, hi, at kumustahin if I am okay with my sakit. Tapos sinabi ni Emma na thru Ate Dolor daw ay tutulong si Ms. Susan sa akin by sending all medicines I needed for diabetes, grabeh! And ‘yun nga, the other day ay dumating ang isang package ng lahat ng tablets na kailangan ko, super dami kasama ang unit na pang-check up ng aking sugar count at may kasama nang strip, na hindi mo basta mabibili dahil napakamahal. Sobrang saya ko habang nilalabas ko isa-isa sa box ang mga gamot, akala ko tapos na, pero tumawag ulit si Emma para sabihin na ang amount for my cataract operation will come, kamuntik na ako himatayin.

Heto ang need ng mga nangangailangan na may sakit. Talaga, God is good! He will provide what you need, pray be confident. To Ms. Susan, Ate Dolor and Emma, a million thanks! Salamat po! At sa lahat ng mga ka-friendship, magandang buhay. (Get well soon po Tita Letty. – SVA)

Angelika at Ryza minura-mura ng mga pasahero

Ano ba ‘yan, nagtalo kasi ‘yung dalawang babae sa loob ng isang provincial bus going to Laguna kung saan nakasakay ako pauwi. Pinanonood kasi nila ang series sa GMA 7 na Ika-6 Na Utos. 

Galit na galit ang dalawang babae kay Angelika dela Cruz at nagkataong ang episode ay nagbabanatan sina Angelika at Sunshine Dizon sa isang party na dinaluhan nila. Nalalandian sila kay Angelica lalo na ‘yung babaeng medyo matanda na. Kung anu-anong mga bad words ang sinasabi nila. E, naiinis ang ibang pasahero na kalapit ni matured lady dahil nga kung anu-ano ang lumalabas sa bibig nito.

E, TV lang ho ‘yan kaya ang writer at direktor ang kainisan n’yo. Naku ang iingay nila na pati si Ryza Cenon ay namura ng matured lady. Sabagay, maski ako man ay naiinis sa role nina Angelica at Ryza. Pero kwento lang kasi to kaya ‘di dapat dibdibin. Ibig lang sabihin, magaling sila umarte. Well happy viewing po!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with