^

Pang Movies

Kahit may Gorio unang araw ng movie nina John Lloyd at Sarah P20-M sa takilya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kagaya nga ng inaasahan, naging isang malaking hit ang Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz movie na Finally Found Someone. Ayon sa mga report, kumita iyon ng mahigit 20 million sa unang araw lamang ng showing. Kung iisipin mo may partida pa iyan dahil malakas ang ulan maghapon noong unang araw nila. Kung walang bagyo, tiyak na mas malakas pa iyan.

Sa kabila ng malakas na ulan, sa dalawang sinehan pa bukas ang pelikula nila sa isang mall malapit sa amin. Bihira ang pelikulang nakakadalawang sinehan doon lalo na kung iisipin na ilan lang naman ang sinehan nila. Iyong dalawang pelikulang Ingles, naghati nga lang sa isang sinehan. Hindi mo man pasukin, alam mong kumikita ang pelikula dahil kung hindi, mada­ling magdesisyon ang mga mall na bawasan agad ng sinehan ang pelikula.

Kung sabagay expected naman iyan. Lahat naman ng pelikula nina Sarah at John Lloyd ay kumita nang malaki. Wala nga raw isa man sa mga iyon ang bumaba sa 350 million gross. Ibig sabihin, basta ang dalawa ang pinagtambal talaga, sure fire formula na. Isipin ninyo, nakaapat na pelikula na sila, pero malaking hit pa rin.

Kung sa bagay, talaga namang may batak sa fans si Sarah, pero hindi nga masasabing mas malakas ang ibang pelikula niya kaysa sa tambalan nila ni John Lloyd. Hindi mo rin naman masasabing may gimmick. Kasi alam naman ng lahat na ang syota talaga ni Sarah ay si Matteo Guidicelli, pero sa kabila noon hit pa rin basta silang dalawa.

Nagtatanong na nga sila, ano raw kaya ang sikreto ng tambalan ng dalawang iyan at nagugustuhan nang husto ng publiko kahit hindi naman sila mag-syota? Samantalang iyong iba, napipilitang magsabi na sila na pero hindi pa rin kinakagat ng masa.

Gil mahihirapang makawala sa image na Alien

Matatapos na ang kanilang serye ni Jennylyn Mercado, pero wala pa kaming naririnig kung anong proyekto ang susunod na ipagagawa nila sa bago nilang discovery na si Gil Cuerva. Malakas naman sana ang dating ni Gil noong una dahil guwapo naman talaga siya, pero para talaga silang binagsakan ng bomba nang sabayan sila ng seryeng puro malalaking stars ang kasama, ang La Luna Sangre.

Hindi mo rin naman mamamadali ang panibagong project para kay Gil. Una, iyong kanyang personality, lalo na ang pagtanggi niyang ipaputol ang kanyang mahabang buhok. Hindi naman kasi bagay iyon sa ibang roles. Iyon din namang katotohanan na isang alien character ang kanyang ginampanan sa kanilang serye, kailangan sigurong medyo mawala muna sa isipan ng mga tao bago siya sumabak sa iba. Nakakatakot lang na baka dahil diyan ay matengga siya.     

Aktor na produkto ng reality show, may modus sa mga bading

Galing ang male star na hindi na rin naman masyadong active ngayon sa isang talent search ng isang network, pero hindi nga siya sumikat nang husto doon. Nahalo na rin naman siya sa ibang controversial stories noon.

Ngayon ay balitang iba na ang raket niya. Nakikipagkaibigan siya sa social media, at basta natunugan niyang bading ang ka-chat niya, nangungutang siya sa mga iyon. Siyempre may “pangakong kapalit” pero wala na siyang pakialam doon basta nakuha na niya ang kanyang inutang. Marami na pala siyang “napangakuan” at nauta­ngan din naman, pero lahat ng mga iyon ay lumabas na naloko lang pala niya. Matapos na makuha ang inutang, blocked na ang bading sa kanyang social media account. Mautak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with