^

Pang Movies

Kahit kinuyog ng bashers, VM Joy nag-thank you at tinanggap ang pagkakamali

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinuyog ng bashers si Vice Mayor Joy Belmonte kahapon kaugnay ng suspension ng classes sa Quezon City dahil sa bagyong Gorio. Nasa Japan kasi si Mayor Herbert Bautista kaya naman kay VM naatasan magsuspinde ng klase.

Naglabas ng statement si VM Joy sa kanyang Facebook at ina­min ang kanyang pagkakamali. “I welcome all the hate and the vileness of your messages. I truly deserve it,” bahagi ng mensahe ni VM Belmonte.

Sa halip na magalit sa pagbomba sa kanya ng pangit na salita, pinasalamatan pa niya ang mga ito. Tanggap din niya ang kamalian at kahinaan sa ganitong sitwasyon.

Para kay VM Joy, dumedepende sila sa data na nakaka­rating sa kanila mula sa PAGASA at iba pa. At sinabi naman ng PAG-ASA na tama ang desisyon ni VM Joy dahil pagdating nga naman ng hapon ay tumigil na ang ulan.

Ang kabutihan kay Vice Mayor Joy, marunong siyang tumanggap ng pagkakamali hindi gaya ng ibang local officials, huh!

Marian lumalagare sa kasagsagan ng bagyo!

Pampatanggal stress at pagod ni Marian Rivera ang anak na si Zia pag umuuwi siya ng bahay galing sa trabaho. Ibinahagi niya ang picture nilang mag-ina sa Instagram na todo yakap din ang bagets sa ina.

“Talaga namang tanggal pagoda at puyat kung ganito ang niyayakap at sasalu­bong sayo…Love you Anak!” caption ni Yan Yan.

Puspusan na kasi ang taping ng GMA Primetime Queen sa action-fantasy series niyang Super Ma’am pati na ang OFW drama niyang Tadhana. Eh ang asawang si Dingdong Dantes, ratsada na rin sa series niyang Alyas Robin Hood 2.

Bagong move ito sa mag-asawa na dati ay salitan ang paggawa ng series. Ang balita namin, back-to-back ang show nina Dong at Yan kaya naman pumayag silang magsabay sa paggawa ng series.

Anyway, kahapon ay launching ni Marian bilang endorser ng Snow Crystal White Tomato kahit kasagsagan ng bagyong Gorio, huh!

Concert tickets ni Regine pinakyaw!

Na-miss ng concertgoers si Regine Velasquez-Alcasid kaya naman sold-out agad ang premium tickets para sa 30th anniversary concert niyang R30 na gaganapin sa October 21 sa SM Mall of Asia Arena.

Magsisilbi ring homecoming ni Regine sa Viva ang concert niya. Kakantahin niya ang kanyang classic hit songs na nagbigay sa kanya ng titulong Asia’s Songbird.

Bukod sa concert, may handog ding three-volume na album si Reg na isang collector’s item.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with