^

Pang Movies

Coco walang pahinga!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Coco walang pahinga!

Coco Martin

Is Coco Martin the current TV King?

Well, since obviously walang nag-o-object, so be it, sabi nga, Salve A.

Kung sabagay, hanggang ngayon, si Coco lang ang makakapagmalaking actor na nagkaroon ng TV show, FPJ’s Ang Probinsyano, na for two years now ay patuloy na namamayagpag sa ra­tings. The highest rating of which, based on Kantar Media’s national ratings is 46%.

Thanks too, to his action series dahil marami siyang mga artistang nabibig­yan ng trabaho. Kabilang na ang ilan sa akala sa sarili ay mga ‘has been’ na sila.

No need to name names.

Ang higit na maganda sa nangyayari sa showbiz career ni Coco ay hindi lang siya sa TV namamayagpag. Kahit sa pelikula ay umaarangkada rin siya.

Maaalalang pumatok ang unang team-up nila ni Toni Gonzaga sa rom-com series na You’re My Boss na produced ng Star Cinema.

No need to tell you that his last team-up with Vice Ganda, considered as local film’s highest grosser, since it earned for Star Cinema a cool P590 million worldwide.

Coco adds another feather to his cap, dahil ng kanyang entry sa 2017 Metro Manila Film Festival na Ang Panday, hindi lang siya ang magbibida dahil siya rin ang direktor nito.

Well, good luck, Coco.

Camille lahat libre ang mga kailangan sa panganganak

Kumpirmado nang babae ang magiging panganay nina Camille Prats at ng kanyang second non-showbiz husband na si VJ Yambao.

Pink ang motif ng baby shower na inihanda sa kanya ng mga kaibigan.

Sa rami raw ng regalong kanyang natatanggap para sa kanyang baby, baka hindi na niya muna kailangan mamili ng mga gagamitin nito.

Excited din si Nathan, ang anak na lalaki ni Camille sa kanyang first husband na si Anthony Linsangan, na namatay dahil sa cancer, sa nalalapit na panganganak ng kanyang Mommy.

Although, he would have wanted a boy sana para maging kapatid.

Babae rin, if you recall, ang first –born ng nakatatandang kapatid ni Camille na si John at ng asawa nitong si Isabel Oli, naka bi-birthday lang.

John is currently busy with two shows: FPJ’s Ang Probinsyano at the Sunday gag show, Banana Sundae.

By the way, marami nga lang pala ang nakakapunang tumataba si John.

Sarah magiging abala naman sa pagko-korean

Wow, did we hear it right na si Sarah Gero­nimo ang bibida sa local adaptation ng popular Ko­rean movie na Miss Granny, na ang playdate daw is this November na?

Wala pang ballita kung sino ang Korea­nong aktor na makatambal niya.

Meanwhile, showing na ang kanyang reunion movie, after four years, with John Lloyd Cruz, ang Finally Found Someone. The film directed by Theo­­do­ro Boborol and produced by Star Cinema and Viva Films, also stars Joey Marquez, Yayo Aguila, Tetchie Agbayani, Dennis Padilla, Alexa Ilacad and Christian Bables, among others.

Say ng amang Dennis nagbago na ang anak Julia good girl na!

Speaking of Dennis, ibinalita niyang apat na araw lang siyang nag-shooting sa Finally Found Someone. Yes, he added, when he watched the movie noong premiere nito sa sinehan ng bagong kabubukas na Ayala Malls Vertis North, na-impress daw siya dahil ang dami raw eksenang kanyang nilabasan.

“Ang galing talaga ni Direk Theodoro,” aniya. “Sana, maisama niya muli ako sa susunod niyang assigment.”

Isa sa trailers ng mga upcoming movie ng Star Cinema na ipinalabas ay pagbibidahan ng kanyang anak na si Julia Barreto kung saan ka-team up niya si Joshua Garcia.

“I’m happy for her,” said Dennis of his daughter. “Mabait na bata si Julia.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with