^

Pang Movies

Angelu napaghandaan ang pagpatay!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming fans ni Angelu de Leon ang nalungkot dahil pinatay na ang character niyang si Lourdes sa GMA 7 telefantasya na Mulawin vs. Ravena.

Magaganda pa naman ang mga papuri ng netizens sa role ni Angelu bilang nanay-nanayan ni Pagaspas (Miguel Tanfelix).

Inamin ni Angelu na alam niyang hanggang doon na lang ang role niya.

Marami nga raw mami-miss si Angelu, lalo na ang tambalang BiGuel nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sey pa noon ng aktres na kinikilig siya sa BiGuel loveteam dahil naaalala niya ang tambalan noon nila ni Bobby Andrews sa TGIS.

Pero huwag mag-alala ang fans ni Angelu dahil mapapanood pa rin siya sa ibang teleserye ng GMA 7.

Ngayon daw ay ang pamilya muna ang inaasikaso niya habang naghihintay ng bagong trabaho sa TV.

Jay ng Starstruck tanggap na hindi kaguwapuhan

Nag-deny ang Kapuso hunk na si Jay Arcilla na may namamagitang rivalry sa kanila ng ka-batch niya sa Starstruck 6 na si Dave Bornea.

Umabot kasi sa Top 6 si Jay samantalang si Dave ay hindi nakapasok sa Top 14. Pero si Dave ang nabibigyan ng maraming projects sa GMA 7. Nagkaroon na ito ng regular stint sa Alyas Robin Hood at Meant To Be. Ngayon ay kasama ulit si Dave sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood 2.

Si Jay naman ay never pa raw nagkaroon ng regular na teleserye at puro guesting lang siya noon sa Little Nanay, URL: Usapang Real Love, at Dear Uge.

American Idol winner nahulihan ng baril na puno ng bala

Muntik nang ma-detain sa airport ang American Idol Season 10 winner na si Scotty McCreery dahil nagtangka itong magpasok ng isang loaded gun.

Ayon sa report, nagpumilit daw si McCreery na pumasok sa passenger checkpoint ng Raleigh-Durham International Airport na may dalang baril.

Katwiran ni McCreery na nanggaling siya sa isang shooting range noong araw na iyon at nakalimutan nitong alisin ang naturang baril at ang rounds nito sa kanyang backpack bago pumasok sa airport.

Ang dala ng singer ay isang 9mm Smith & Wesson handgun and ammunition.

May permit to carry a concealed handgun si McCreery, pero he was cited for “misdemeanor violation when he tried to bring the firearm through an airport checkpoint and board a plane with it.”

Nagkaroon pala ng traumatic experience si McCreery na matutukan ng baril noong may pumasok na magnanakaw sa bahay nila three years ago, kaya nagkaroon siya ng permit para magdala ng baril.

“I have been a concealed carry permit holder for awhile now after being robbed at gunpoint in 2014, and I take gun safety very seriously.

“While in between tour dates last week, I went to go target shooting with a friend a few days before an early flight out of my hometown Raleigh-Durham airport.

“Unfortunately, I did not realize that I left my pistol in my backpack until the TSA found it during the security X-ray screening and rightly confiscated it.

“I had my concealed carry permit on me so once they had checked everything out, they then released me to catch the next available flight.

“Great to know our airport security force is on the job. I have learned a lesson that I won’t forget.”

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with