^

Pang Movies

Boy Abunda nagsalita sa pinagdaraanan ni Kris

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Para kay Boy Abunda, naiintindihan niya ang pinagdadaanan ngayon ng kaibigang si Kris Aquino kung saan nga ay networkless ito ngayong matatawag.

“Alam mo, it’s difficult to be a star,” simula ni Kuya Boy. “You have to be constantly validated. When you lose a show, you get that feeling na ‘gusto pa ba ako?’ So, it might just have been momentary.

“Syempre, pag naglalakbay ka dito sa industriyang ito, hindi mo minsan alam kung gaano ka kahalaga sa kumpanyang pinagtratrabahuhan mo, sa mga tao.”

Kaya kung nasabi man ni Kris na ayaw na sa kanya ng ABS-CBN, ayon kay Kuya Boy, siguro naman daw ay pansamantala lang ito.

“Lahat nating pinagdadaanan ‘yun. That moment of uncertainty. ‘Yun ang aking basa do’n, pero hindi ako naninigurado,” pahayag ni Kuya Boy.

Kamakailan ay nagkaroon ng housewarming si Kris sa kanyang bagong bahay at marami ang nagtaka kung bakit wala ang mga friends ng Queen of All Media at isa nga roon si Kuya Boy.

“Kahit noong nagkakatrabaho kami ni Kris, hindi ako clingy. Even during those times when we would work together sa ABS-CBN, after work, kahit mga birthdays. I think I’d like to think that we have a special time for a friendship.

“At saka, hindi talaga ako maki-party, hindi talaga ako maki-blessing, ganu’n. Pero nag-usap kami at sabi ko nga sa kanya, in about 2, 3 weeks, ako’y makikikain sa kanilang tahanan,” saad pa ni Kuya Boy.

May mga followers si Kris sa Instagram na kumukuwestiyon kung nasaan na raw ang mga kaibigan niya at ayon kay Kuya Boy, siya naman daw ay nandirito pa rin.

“Hindi ko alam kung nasaan sila pero ako’y narito pa rin. Noong isang araw, kami’y nag-uusap, pareho pa rin ang aming relasyon, nagkukuwentuhan, nag-uusap. May mga nagtatanong pa rin tungkol sa trabaho at dumadaan sa akin at pinapasa ko sa kanya.

“Pilitin man ng iba, walang nababago sa aming pagiging magkaibigan. At sa aking palagay, hindi nasusukat ang pagiging magkaibigan sa pagdating o pagdalaw doon sa bahay dahil hindi pa naman natatapos ang buhay ngayon. May bukas, may isa pang araw para magkita-kita ang lahat,” he said.

Teacher Georcelle ayaw ikumpara sina Sarah at Maja

Twenty five years na sa industry ang dance choreographer na si Georcelle Dapat-Sy ng G-Force, na kilala rin sa tawag na Teacher Georcelle. Sa loob ng panahong ito ay napatunayan na niya ang kanyang sarili and in fact, she’s being considered as the top dance choreographer in the country.

Kaya naman may karapatan na itong maglabas ng kanyang sariling libro na mabibili na ngayon titled The Force Within by VRJ Books.

Sa pocket presscon niya held last Wednesday sa Viva entertainment office ay game na game na sinagot ni Teacher Georcelle ang tanong sa kanya ng entertainment press kabilang na nga ang top 5 best dancer sa kanya among celebrities.

Ayon kay Teacher Georcelle ay magkakaiba raw ng atake ang mga celebrity.

“Like Sarah (Geronimo) and Maja (Salvador), magkaiba ng offer sa stage. When they dance, dance pa lang ha, hindi kantahan, hindi performance, hindi acting. Magkaiba talaga, eh. Magkaiba sila.

“Si KC (Concepcion) is an equipped dancer, mayroon siyang training, she’s flexible, she can do high kick, she can turn, she can do contemporary.

“Si Anne (Curtis) is a kikay, sobrang kikay. Sinasabi niya nga, ‘I’m not a dancer, I’m not a dancer’ but you know, parang ang dating sa akin kasi, you intertwine fashion and dance sa kanya, that’s her. I see her na parang Kylie Minogue. Siya ‘yan.

“Hindi mo siya mapapa-hair throw like Maja, hindi mo siya mapapa-swag like Sarah, hindi, eh. Magkakaiba sila talaga ng offer,” ang pahayag ni teacher Georcelle.

Sa panglima ay lalaki naman ang hiniling sa kanya and she mentioned Enrique Gil.

“Si Enrique, kasi siya talagang ang hot ngayon and everytime we put him on stage, nage-embrace talaga, eh. Ino-own niya, eh.”

Ang The Force Within ay mabibilis sa lahat ng National Book Stores at Powerbook Stores sa halagang P295.00.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with