^

Pang Movies

Janella ipinagdasal ang may cancer na ina ni Marlo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakisimpatiya si Janella Salvador sa una niyang ka-love­team na si Marlo Mortel dahil sa pinagdaraanan na karamdaman ng ina ng young singer-actor.

Ilang araw na sa ospital ang mother ni Marlo dahil sa panibagong operasyon na ngayon ay may kaugnay sa puso. Ipinost niya ang picture ng ina sa ospital kasama ang kanyang ama.

Ayon sa caption ni Marlo, noong 2014, na-diagnosed ng stage 3 breast cancer ang ina. Last December naman ay isinagawa sa ina ang lung operation. Kamakailan, open-heart surgery naman ang dinaanan ng ina.

Successful namang natanggal ang cyst sa puso ng ina. ‘Yun nga lang, sa bagong tests, lumabas na stage 4 na ang cancer ng mother. Humingi siya ng tulong sa nagmamahal sa kanyang ina. Kapit sila sa Diyos na malalampasan ng ina ang sakit niya.

Sa komento naman ni Janella, “You have a strong mommy. In Jesus name she will be okay and she will be able to face everything fearlessly. Always praying for you and your family. Please tell her I’m sending my hugs.”

Huling napanood sa movie na Mano Po 7 si Marlo at wala kaming balitang bagong projects na ginagawa o gagawin niya. Ngayon niya siyempre kailangan ang trabaho para makatulong sa gastusin para sa ina.

Francine at mister magso-sorry sa minura

Handang mag-apologize ang aktres na si Francine Prieto pati na ang asawa niyang foreigner sa nakabanggaang immigration officers sa nakaraang biyahe niya dito sa bansa. Lumutang ang aktres sa grand presscon ng Haplos kung saan isa siya sa cast.

Balik-Kapuso Network si Francine at regular pa ang trabahong ibinigay kumpara noon na bihira siyang mabiyayaan ng project.

“Very grateful po ako dahil GMA rin naman ang nag-alaga sa akin. Dito ako nag-grow as an actress at ngayon po after seven or eight years, nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na mapasama sa isang show sa GMA,” pahayag ni Francine.

Ano na pala ang development sa nangyari sa asawa niya?

“Meron na pong umaayos. Nagpunta na po kami sa Immigration kanina (Tuesday). Meron na lang ipapasa ang lawyers namin para makabalik siya ng bansa. Aksidente naman po ang nangyari.

“Kami po ng asawa ko, sobrang nagsu-sorry po kami. Alam naming aksidente. Ganoon pa man po, siyempre, may na-offend siyang mga officer and willing kaming mag-apologize nang personal po. Kaming dalawa po,” paliwanag ni Francine sa nangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with