^

Pang Movies

Ang kwento ng sapatero at mga duwende

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa episode ng Daig Kayo ng Lola ko ngayong Linggo ay tampok na guests sina Martin Del Rosario, Andre Paras, Klea Pineda, Kevin Santos, at Chris Gutierrez.

Patapos na ang bagyo pero malakas pa rin ang ulan at hangin. Lola Goreng (Gloria Romero) instructs the children na tulungan ang typhoon victims. Maiisip nina Alice (Jillian Ward) at Moira (Chalui Malayao) na mag-donate ng mga pinaglumaan nilang damit. Maiisip din iyon ni Elvis (David Remo). Pero butas na shirt at sirang rubber shoes ang ipamimigay niya. Dahil sa attitude ni Elvis, Lola Goreng is reminded of the story of Xandro.

Isang gabi, napagod nang husto sa paggawa ng sapatos si Xandro kaya hindi niya tatapusin. Paggising niya kinabukasan, matatagpuan niya ang mga sapatos na yari na. Magtataka ang magkapatid na Xandro at Shirley kung sino ang tumulong sa kanila.

Dahil mahusay ang pagkakayari sa mga sapatos, makikilala si Xandro bilang sapatero sa kanilang bayan.

Kaya sinikap nila ni Shirley na maghintay at pinilit nilang hindi matulog. At makikita na tatlong duwende ang tumutulong sa kanila! Sira-sira ang damit ng mga ito.

Nag-isip sina Xandro at Shirley kung paano pasa­salamatan ang mga duwende. Ginawan nila ng damit, pantalon, sumbrero at boots ang mga duwende.

Inabisuhan sila ng mga duwende na ‘wag silang magbabago at ibahagi sa iba ang kanilang nakuhang tulong. Iyon nga ang gagawin nina Xandro. Minsan, may napadpad na customer sa kanila na walang pambili ng sapatos para sa kanyang anak. Ibibigay ni Xandro ang sapatos.

Panoorin ang Daig Kayo ng Lola ko sa Linggo pagkatapos ng Hay Bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with