^

Pang Movies

Jessy iniyakan ang anniversary gift ni Luis

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jessy iniyakan ang anniversary gift ni Luis

Luis Manzano at Jessy Mendiola

Naiyak si Jessy Mendiola sa first anniversary gift sa kanya ng boyfriend na si Luis Manzano. Isang tuta ang regalo ni Luis at kinunan niya ang pag-iyak ng GF habang hawak-hawak ang tuta.

Pinangalanang Chewy ang puppy mula sa name na Teddy. Ayon pa sa post ni Luis, galing ang name na Chewy sa isang character sa Star Wars.

Eh sa comments sa Instagram account ni Luis, may bumanat pa rin sa ginawang pag-iyak ni Jessy. Buti na lang, chill lang si Luis at hindi niresbakan ang mga ito, huh!

Marian nag-instant mall tour sa pagsuporta sa kaibigang si Bambbi Fuentes

Pinahahalagahan ni Marian Rivera ang friendship nila ng celebrity hair and make up icon na si Bambbi Fuentes kaya hindi puwedeng mawala ang GMA Primetime Queen sa opening ng salon niya sa Tagaytay.

After ng blessing nga, biglang nagkaroon ng instant mall show si Yan Yan dahil located sa isang sosyal na mall ang salon ni Bambbi, huh! Hindi naman niya binigo ang mall goers na aksidenteng nakita ang beauty ni Marian dahil all smiles and wave-wave siya sa crowd.

Sa Instagram account ni Bambbi inihayag niya ang pasasalamat sa kaibigan.

“Thank you so much Yanyan for the love and support you showed during our salon blessing. We truly appreciate it and grateful. Love you.”

Regine pumirma ng kontrata sa Viva!

Balik-Viva si Regine Velasquez-Alcasid. Pu­mir­ma siya ng kontrata para sa recording at concert.

Sa Viva Films nagsimula si Regine noong ma­nager pa niya si Ronnie Henares. Pumatok man siya bilang Concert Artist, ang Viva naman ang nagbigay-sigla sa career niya bilang aktres. Patok halos lahat na ginawa niyang romantic-comedy films kung saan ilan sa nakapareha niya ay sina Richard Gomez, Robin Padilla at iba pa.

Matapos mawala sa poder ni Ronnie, ang sister niyang si Cacai Mitra ang nagsilbi niyang manager ng ilang taon.

Ngayong nagbalik na si Reg sa Viva, asahan ang muli niyang paglabas sa pelikula na matagal na rin niyang inaasam-asma!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with