^

Pang Movies

Sarah ikakasal kay John Lloyd! JLC at Angelica wala raw duda na nagkabalikan na

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sarah ikakasal kay John Lloyd! JLC at Angelica wala raw duda na nagkabalikan na

Sarah Geronimo

Uy wala na raw talagang puwedeng magduda na nagkabalikan na sina John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban.

Sa birthday celebration daw ni John Lloyd kamakailan, si Angelica ang isa sa mga bisita kasama ang iba pang mga kaibigan ng actor ayon sa isang nagkuwento.

Matagal nang nababalitang nagkabalikan ang dalawa.

Sa katunayan, isang source pa ang nagkuwento na madalas silang bumiyahe sa Batangas dahil nga may nabiling resort si John Lloyd doon at kasalukuyan niya itong ipinagagawa.

John Lloyd at Angelica

Anyway, bukod kay Angelica, namataan din umano sa nasabing birthday celebration ng actor ang mga ex na nga bang sina Maja Salvador at Ellen Adarna (?) at ka-loveteam na si Bea Alonzo.

Sorpresa naman daw ang pagkakakita kay Alden Richards.

Ka-birthday ni John Lloyd ang isa pa niyang ex na si Ruffa Gu­tierrez. Sayang at wala siya sa nasabing celebration ng actor.

Speaking of John Lloyd, tinatapos na nila ni Sarah Geronimo ang shooting ng pelikula nilang I Finally Found Someone na balitang showing na sa July 26. May nag-leak na photo si Sarah na naka-wedding gown kaya inaabangan kung ikakasal sila ng actor sa pelikula ng Star Cinema at Viva Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with