^

Pang Movies

Daniel, Arci at Ronnie Liang ginipit, hindi pinakain at kinulong daw sa Paris!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel, Arci at Ronnie Liang ginipit, hindi pinakain at kinulong daw sa Paris!

Ronnie Liang, Daniel Matsunaga at Arci Muñoz

Nakakalungkot isipin na may mga artista tayong napapahamak sa mga natatanggap nilang shows sa abroad sa kabila ng mahusay namang usapan bago sila umalis ng Pilipinas. Hindi mo naman siguro masasabing mali ang pakikipag-deal, o nagkulang sila sa pakikipag-usap, iyon naman kasing negosasyon ay idinaan sa kanilang mga lehitimong management companies dito sa Pilipinas.

Ganyan ang nangyari kamakailan lang kina Daniel Matsunaga, Arci Muñoz at sa singer na si Ronnie Liang. Ang lumalabas lang dito sa atin ay ang mga post nina Daniel at Arci sa social media at kung anu-anong pang pictorial sa Paris, iyon pala may problema na sila.

Hindi namin alam kung bakit sinasabing umalis sila sa Pilipinas ng gastos pa ng mga artist. Usually sinasagot naman ng mga producer ang kanilang pamasahe papunta sa bansa kung saan sila may performance at ang pamasahe rin nila pabalik sa Pilipinas. Sa kasong ito, lumalabas na ini-advance ng mga artist ang kanilang pamasahe. Ang masakit, pagdating nila sa France, ni wala pala silang matutuluyan dahil hindi bayad ang kanilang hotels. May grupo naman daw na sumalo sa bayad sa hotel kaya sila may natulugan, pero mukhang hanggang doon lang iyon. Ni wala raw kasamang pagkain nila iyon.

Ni ayaw pa raw silang payagang lumabas sa hotel, kahit na bumili man lang ng pagkain at sinasabi pang baka ma-deport sila. Ibig sabihin kaya nananakot nang ganoon, may mali talaga sa kanilang lakad doon. Hindi maayos ang kanilang papeles.

Ang ending, hindi natuloy ang show na sinasabing sa Paris sana at saka sa Vienna. Bumalik na lang sila sa Pilipinas na masama ang loob dahil sa nangyari.

Iyang mga show sa abroad, aminin natin na tinatanggap iyan ng mga artista natin dahil kumikita sila nang extra riyan lalo na at kung wala pa naman silang ginagawa sa Pilipinas. Hindi mo naman kasi masasabing sunud-sunod ang assignments nila, at aminin natin, may living standards na kailangan na nilang sundin dahil mga artista nga sila. Kaya tumatanggap sila ng mga ganyang show ay para kumita. May mga lakad talagang alanganin kung minsan ang mga artista, lalo na at sinasabing kilala naman ang kanilang mga organizers sa abroad. Pero kung minsan may bulilyaso talaga.

Ken, transgender pa rin hanggang ngayon

Mukhang nag-boomerang pa kay Ken Chan iyong dapat sana ay magandang ending ng kanilang ginawang serye na pabor sa kanya. Siya kasi ang pinili ni Barbie Forteza in the end. Magaling namang artista si Ken, pero aminin natin, hindi siya iyong matinee idol type. Kaya noong siya ang mapili over Ivan Dorschner at Jak Roberto, na-bash siya sa social media.

Nauna kasi riyan, si Ken ay gumawa rin ng isang serye kung saan siya ay isang transgender, at alam naman natin basta gumawa ka ng ganyang role, malamang sa hindi ay ma-type cast ka na nga. Isang magandang example nga ang magaling na actor na si Ro­de­rick Paulate, dahil gu­mawa siya ng mga role na bakla, hindi na siya matanggap basta iba na ang kanyang role. Palagay namin nagkaroon na rin ng ganyang epekto ang unang serye ni Ken. Minsan malalaman mo lang naman na nagkamali ka basta nariyan na ang hindi magandang epekto ng ginawa mo.

Aktor at karelasyong male singer, sa abroad nagpapaligaya!

Ang lakas ng tsismis ngayon sa isang male star na dating alaga ng mga bading, at isang male singer na noon pa ay pinagdududahang bading din. Mukhang totoo nga na silang dalawa ang magkarelasyon nga­yon. May mga pictures pa sila sa abroad, na kahit hindi man sila magkasama, alam mong iisang lugar lamang ang kanilang pinuntahan sa magkaparehong panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with