^

Pang Movies

Lovi at dyowang foreigner, nagsisiran sa Palawan!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinala yata ni Lovi Poe ang karakter niyang si Magindara sa Palawan para hindi mapigilan ang kanyang summer getaway ngayon. As of this writing kasi, enjoy na enjoy ang dalaga sa kanyang vacay sa isa sa pinakamagagadang lugar sa bansa base sa kanyang sizzling summer beach bod photos na uploaded sa Instagram account niya.

Kasama niya ang boyfriend na si Chris Johnson kung saan marami silang water activities na sinubukan kasama na ang diving.

Pero habang naka-timeout siya sa Mulawin vs. Ravena, marami pa rin sa viewers ang nag-aabang kung ano na ang mangyayari sa love story nila ni Siklab (Dion Ignacio) na talaga namang isa rin sa mga kinakikiligan ng Kapuso viewers sa GMA telefantasya.

Magtuluy-tuloy kaya ito o mapigilan ng mga challenges ang kanilang namumuong pagmamahalan?

Christian binigyan ng award ng Maynila

Dagdag pogi points na naman ang na-achieve ni Christian Bautista. Isa na naman kasing parangal ang naiuwi ng Kapuso star at Asia’s Romantic Balladeer dahil balita namin ay binigyan siya ng Manila government ng Patnubay ng Sining at Kalinangan Award dahil sa kanyang natatanging galing sa larangan ng musika.

Congrats naman sayo, Christian. Pero as Winston sa My Love From The Star, enough na kaya ito para mapansin ka ni Steffi (Jennylyn Mercado)?

Gil nag-solo sa fans day

First time nakaranas ng Fans Day si Gil Cuervo noong Biyernes ng hapon sa Music Museum kung saan nagkaroon ng GMA Artist Center Fans Day. Kahit walang press release ng event ay napuno ito ng tao mula sa iba’t ibang fans club ng mga artista.

Habang kumakanta si Gil ay dinumog ito ng fans at matiyaga naman itong pinagbibigyan ang lahat. Hindi raw niya sukat akalain sa maikli palang panahon umeere ang My Love From The Star ay kilala na agad siya ng mga tao.

Si Jennylyn naman ay pumunta sa Canada para sa isang show doon na I am sure ay for GMA Pinoy TV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with