^

Pang Movies

Parang gusto na ring magka-baby Coco magiliw sa bata

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang humanga kay Coco Martin nang mag-shooting ito sa mataong lugar sa Escolta, Manila. Kagaya ng yumaong movie idol na si Fernando Poe, Jr., mabait si Coco sa fans.

Hindi nagkamali ang network na kay Coco iatang ang pagpapatuloy ng paggawa ng action pictures para huwag mawala sa paningin.

Sa panahon kasi ngayon, mapapansing puro love teams ang dini-develop at kung minsan naman ay mga pelikulang may kabaklaan na tema.

Ngayon ay may pagkakataon na ang mga kalalakihang makapanood ng action sa te­leseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagtutulungan nila ng pamosong action director na si Toto Natividad.

Nagbalik-tanaw din si Direk Toto noong mag-shooting ito sa Escolta na dating pinamumugaran ng mga movie production.

Marami rin ang nakapuna sa set na magiliw si Coco sa bagong discovery ng ABS-CBN na si Ricky Boy. Madali kasing turuan ang bata at maga­ling sa pagdeliber ng dialogue.

Pinky suki ang mga artista sa mga panindang cake

Masaya si Tita Pinky Fer­nando, ang pamosong nagbigay ng dambuhalang wedding cake sa kasal nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa seryeng A Love To Last.

May bakery si Tita Pinky sa Baliuag, Bulacan dahil taga-roon siya.

Marami na ring production ang nagawan at nabigyan ni Tita Pinky ng cake. Darling of the press ang mabait na Bulakenya.

Dennis pinag-direk

Binigyan ng break ni Direk Arlyn Dela Cruz ang komedyanteng si Dennis Padilla sa pelikulang The Barker.

Matagal na raw pangarap ni Dennis ang makapagdirehe ng pelikula. Kalimitan ng shooting nila ay kinunan sa Olonggapo City na bayan ni Direk Arlyn na director ng kontrobersyal na pelikulang Bubog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with