^

Pang Movies

Pito lang ang saksi sa bahay Dra. Vicki humabol na June bride!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bumuhos ang pagbati kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. dahil sa civil wedding nila.

Hindi na shocking ang pag-iisang dibdib ng dala­wa dahil knows ng lahat na may plano sila na magpakasal sa Paris, France sa September 2017.

At least, nakahabol pa si Mama Vicki bago matapos ang buwan kaya pasok pa rin siya na June bride.

Marami ang naglabas kahapon ng news tungkol sa civil wedding nina Hayden at Mama Vicki pero walang nag-aksaya ng panahon na magtanong kung kailan naganap ang seremonya! Nangopya lang ang lahat sa Instagram accounts nina Mama Vicki at Hayden kaya incomplete ang details nila. Kalurky ‘di ba?

Sa mga namumulot ng balita, hindi kahapon ikinasal sina Hayden at Mama Vicki ‘no! ‘Yung mga lumabas na wedding picture, kuha sa bahay ni Mama Vicki sa Dasmariñas Village dahil dito sila ikinasal ni Makati City Mayor Abby Binay. Very private ang naganap na kasalan dahil pitong tao lamang ang saksi.

Hayden Kho tinanggal ang balbas

Naalaala ko ang survey noon ni Mama Vicki tungkol sa magiging look ni Hayden kapag nagpakasal sila sa Paris.

Tinanong niya ang kanyang followers kung meron o walang balbas at bigote ang bagay kay Hayden?

Wala ang sagot ng karamihan at sa civil wedding nila noong Miyerkules, clean-shaven si Hayden.

Pero puwedeng magbago ang isip ni Hayden sa September. Baka i-try niya na magpatubo ng balbas at bigote, for a change, dahil dalawang beses naman sila na magpapakasal ni Mama Vicki. 

Ngayong kasal na sila, legal na ang pagiging Mrs. Kho ni Vicki pero Dra. Vicki Belo pa rin ang itatawag sa kanya dahil ito na ang nakasanayan ng mga tao.

Coronation night ng Miss Manila nasa ABS-CBN

Reminder, ngayon ang coronation night ng Miss Manila 2017 sa PICC Plenary Hall.

Sa mga hindi makakapunta sa PICC, ipalalabas bukas sa ABS-CBN ang Miss Manila 2017 after ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Tatlumpong naggagandahan na kandidata ang maglalaban para sa title at korona ng Miss Manila 2017.

Jiro nangakong magbabago

Ang column ko pala sa Pilipino Star Ngayon ang pinagbasehan ng mga report tungkol sa paglabas ni Jiro Manio mula sa rehabilitation center sa Bataan.

Na-appreciate ko na binigyan ng proper attribution ang PSN dahil ‘yung ibang mga entertainment website at blogger, nango­ngopya na nga ng mga balita, ipinalalabas pa na sila ang original author. Kadiri ‘di ba?

Anyway, balik-Metro Manila na nga si Jiro na nangako na magbabagong-buhay at babalik sa rehab center para i-report ang mga nangyayari sa kanya.

Sana nga, mapaninindigan ni Jiro ang promise na changed man na ito at huwag na siyang magpatangay sa mga tukso.

Mabuti sana kung marami ang katulad ni AiAi delas Alas na bukal sa puso ang pagtulong sa kanya. Paano kung hindi na makialam si AiAi dahil sinuway nga ni Jiro ang kagustuhan niya na mag-stay muna ang former child actor sa rehab center?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with