^

Pang Movies

Lumaylay na!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Naku, lumaylay na ang TV-series na Ika-6 Na Utos ng GMA-7 na napapanood natin tuwing hapon, Monday hanggang Saturday ang airing.

Parang hindi na nakatulong sa takbo ng istorya ang araw ng Sabado. Sayang, ang ganda kaya noong wala pang Saturday episode. Naawa ako kay Ryza Cenon as Georgia, ang other woman ni Rome na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion.

Nadadagdagan kasi ang haters/bashers niya dahil masyado nang ilusyunada ang role niya. Ayaw niyang tumigil kesehodang pineke niya ang kanyang pagbubuntis. Ang mga bunganga ng home viewers ay umaapoy sa galit kay Georgia.

Sabi tuloy ni Aling Ruby na inagawan din ng asawa na mas bata sa kanya, siguro raw ay malaki ang notilya ni Rome kaya gigil na gigil si Georgia.

Galit din sila kay Mike Tan as Elmo dahil ayaw nitong tantanan si Emma (Sunshine Dizon).

Naku tigilan ang pagka-ignoramus, TV lang yan! Script lang ‘yan, blame the writer of Ika 6-Na Utos. 

Lovelife ni Glaiza nanahimik

Gusto pa rin ni Glaiza de Castro na balikan at karirin ang pagiging singer. Bago kasi siya na exploit sa pagiging aktres in TV and movies, isa siyang magaling na singer at kumakanta sa isang banda.

Pero dahil sa angking ganda ay hinatak siya ng pag-aartista. Marami na ring nagawang pelikula at TV project si Glaiza.

Isa na rito ang katatapos lang na Encantadia kung saan mahaba ang exposure niya.

Kung may time raw siya, ang pagkanta muna ang gagawin niyang pahinga. Nakapagtatakang pati yata ang lovelife ng aktres ay nakapahinga. Walang nagtangkang kumatok at pumasok!

Ace Espinosa walang paramdam

Nasaan na kaya ang poging actor na si Ace Espinosa?

Siya ‘yung actor na may bansag na Kisig Pinoy. Natatandaan ko pa, dahil sa kanya napilay ako noon sa Nayong Pilipino. Nag-guest siya sa isang event na ginanap at pinagkaguluhan siya ng mga tao kaya nasabit ang kanan kong braso.

Natural nasaktan ako. Kaya pala matindi ang sakit na nararamdaman ko dahil luminsad ang buto ng braso ko. Almost two weeks akong may benda. Anyway, ok lang. Naalala ko lang at dahil wala na akong balita sa kanya. 

Young actress takot makalbo kaya ‘di naliligo

Isang magandang young actress ang isang beses lang daw kung mag-shampoo sa isang linggo. Takot daw kasi ang aktres na malagasan ng buhok dahil nasa lahi raw nila ang maninipis na buhok.

Pero look ka sa hair niya, shiny at laging maayos. Hindi halatang minsan lang paliguan ang buhok!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with