^

Pang Movies

Renz pinaasa lang daw ni Kris!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ano kaya ang magiging reaction ni Kris Bernal sa sinabi ni Renz Fernandez na pinaasa lang daw siya nito noon?

Nagsama sina Kris at Renz sa teleserye na Little Nanay noong 2015 at nagkaroon ng balitang nililigawan ni Renz si Kris. May photos pa nga ng mga bulaklak na ipinadala si Renz para kay Kris.

Pero bigla na lang daw hindi na tinuloy ni Renz ang pagligaw kay Kris sa kung anong kadahilanan.

Sa press launch ng My Love From The Star kung saan kasama sa cast si Renz, sinabi nito na tumigil siya sa pagligaw kay Kris dahil naramdaman niyang hindi siya type nito.

Nabanggit pa ni Renz na si Kris ang nagsabi na ligawan siya nito. Noong manligaw na raw si Renz, bigla raw siyang binasted nito.

“Pinaasa lang niya ako. Hindi naman pala niya ako gusto.

“Medyo sumama ang loob ko kasi pinaasa niya ako,” emote pa ni Renz.

Pero noong nakaraang birthday ni Kris ay binati naman daw niya ito.

Malamang ay naka-move on na si Renz dahil nagkuwento pa ito na may ilang girls na raw siyang niligawan, pero wala sa kanila ay naging official girlfriend niya.

Sa My Love From The Star, gumaganap si Renz bilang imbestigador sa isang kaso na suspect si Steffi Chavez played by Jennylyn Mercado.

Happy naman si Renz na may teleserye na siya ulit pagkatapos niyang mabakante ng ilang buwan.

“Yung last teleserye ko was Poor Senorita pa. Naging busy ako sa surfing,” pagtapos pa ni Renz Fernandez.

Biktima ng pang-aabuso at pipi at bingi pasok sa Miss Global

Maraming kababaihan ang humanga sa Miss Global Philippines 2017 dahil kabilang sa mga candidates nila ay isang biktima ng pang-aabuso na si Fina Jallene Gulapa, at isang deaf-mute na si Christine Balaguer.

Sumali nga raw si Fina sa naturang beauty pageant para maibahagi niya sa maraming kababaihan na hindi katapusan ng kanilang buhay kapag sila ay inabuso.

“I want to tell other women out there who are abused: Don’t ever settle for less than what you think you deserve. You must also rise and take a bigger role in the society,” sey pa niya.

Si Christine naman ay gustong maging magandang example para sa mga katulad niyang deaf-mute na may pag-asa pa, kahit ang sumali sa isang beauty pageant ay puwedeng mangyari.

“I want people to see me, even though I’m deaf, I can join a beauty pageant,” ayon pa sa translator niya.

Cher nangabog sa paseksihan sa edad na 71!

Hindi nagpapatalo sa kanyang edad ang music icon na si Cher.

Sa katatapos lang na Billboard Music Award kung saan si Cher ang tumanggap ng Icon Award, ginulat niya ang marami dahil sa dalawang revealing outfits niya kung saan ipinakita niya ang kanyang sexy figure sa edad na 71!

Unang lumabas si Cher sa kanyang Las Vegas-worthy na diamond encrusted silver bead outfit kung saan ang nakatakip lang sa boobs niya ay nipple pasties. With matching white wig, inawit niya ang kanyang 1998 hit single na Believe.

Noong bumalik siya sa entablado para tanggapin ang Icon Award, suot niya ay ang kanyang signature leather jacket with sparkling fish net jumpsuit at curly black wig sabay awit ng If I Can Turn Back Time.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with