^

Pang Movies

Special effects ng MVR kinabiliban!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats sa cast, production staff at sa GMA 7 dahil bongga ang mga feedback sa Mulawin vs. Ravena na napanood noong Lunes ang pilot episode.

Nag-trending sa social media ang Mulawin vs. Ravena na nagustuhan ng televiewers dahil pampelikula raw ang quality.

Type na type ng manonood ang mga ginamit na special effect at ang magagandang location.

May mga nagtatanong kung saan kinunan ang mga eksena nina Heart Evangelista at Dennis Trillo dahil gusto nila na puntahan ang lawa na maganda.

Asking din ang televiewers tungkol sa majestic falls na ginamit na pugad ng mga Mulawin. Sa pagkakaalam ko, sa Luisiana, Laguna ang falls pero dusa ito na puntahan dahil mahaba ang lalakarin at matarik ang bundok para marating ang talon na biglang nagkaroon ng mga libreng publicity.

Richard pasok sa La Luna Sangre

Nagulat at na-excite ang mga nanood ng Mulawin vs. Ravena dahil hindi nila expected na may special participation sina Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Hindi nag-taping ang dalawa para sa bagong telefantasya ng GMA 7. Ginamit lang ng mga direktor sa flashback scene ang old footage nina Angel at Richard sa Mulawin noong 2004 at sa Mulawin, The Movie noong 2005.

Imposible na umapir si Angel sa Mulawin vs. Ravena dahil exclusive ang contract niya sa ABS-CBN mula nang mag-ober da bakod siya.

Hindi rin lalabas si Richard sa Mulawin vs. Ravena dahil matagal nang nag-expire ang kontrata niya sa GMA 7.

May balita nga na may special participation si Richard sa La Luna Sangre, ang primetime teleserye ng Kapamilya Network na malapit nang umere. Hindi naman makakatapat ng La Luna Sangre ang Mulawin vs. Ravena dahil ang Ang Probinsyano ang kalaban nito.

Mapapanood din si Richard sa coming soon movie ng Star Cine­ma. Leading ladies niya sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa pelikula na hindi pa sinasabi ang final title.

Siniraang fan ni Kris si Boy Abunda naman ang bibigyan ng TV special

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kris Aquino kapag nalaman nito na ipagpo-produce ni Rhodora Morales ng television special ang kanyang consultant at business manager na si Boy Abunda?

The who si Rhodora Morales? Siya ang baguhang television producer na kilala sa palayaw na Mama Doray na inokray-okray ni Kris. Hindi lamang si Mama Doray ang siniraan ni Kris dahil idinamay nito si Renan, ang unico hijo ng kanyang fan.

Si Mama Doray ang gumastos ng P20 million para sa Trip ni Kris, ang travel show ni Kris na umere noon sa GMA 7.

Luging-lugi si Mama Doray dahil hindi bumalik ang puhunan niya. Ang balita na nakarating sa akin, hindi umabot sa P2 million ang halaga ng commercial load ng Trip ni Kris.

Anyway, nag-sorry na si Kris kay Mama Doray pero nasira na naman ang image niya sa publiko dahil sa kanyang paninira sa mabait na businesswoman na sumugal para makabalik siya sa limelight.

Bukod kay Kuya Boy, may plano si Mama Doray na ipag-produce ng radio program si former BIR Commissioner Kim Henares na close friend niya.

Saksi ako sa closeness nina Mama Doray at Mama Kim dahil sila ang mga kasama ko sa lunch date namin noon sa Club Filipino.

Sayang talaga dahil inokray ni Kris si Mama Doray dahil kung hindi, baka naging weekly show ang Trip ni Kris bilang number one fan niya ang richie rich na businesswoman.

Kylie umamin sa pangalan ng anak

Hindi kuryente ang balita noon na Joaquin ang name ng baby boy na isisilang ni Kylie Padilla dahil Alas Joaquin ang pangalan na pinili nila ni Aljur Abrenica.

Nang lumabas noon ang balita na Joaquin ang name ng bagets, nagsalita si Kylie na hindi pa siya sure sa magiging pangalan ng bagets. Sa exclusive interview ni Papa Ricky Lo kay Kylie, sinabi nito na Alas Joaquin ang pangalan ng baby boy na isisilang niya sa July.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with