^

Pang Movies

Pumiyok, James parehong nangarap sa babae at lalaki

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pumiyok, James parehong nangarap sa babae at lalaki

Nadine Lustre, James Reid at Bret Jackson

Hindi maintindihan ng followers ni James Reid ang parehong caption niyang, “Dreams come thru,” sa Instagram posts niya kahapon.

Sa isang photo, si Nadine Lustre ang kasama niya habang nasa speed boat at ‘yung isang litrato eh si Bret Jackson naman ang kasama niya. Kilig-kiligan ang followers nilang JaDine base sa komento nila. Naintindihan nila ang caption ni James.

Pero sa photo na lalaki ang kasama, imbyerna sila kay James. Feeling nila ay may bromance ang dalawa, huh! Hindi nila nasakyan ang caption ni James.

Nasa Caramoan sina James at Nadine para dumalo sa isang event doon. At least, bukas na ang loob ng aktor sa pagpu-post ng sweet moments nila ng GF, huh! ‘Yung bathtub shot nila, hinangaan dahil walang arte sa paglalantad ng kanilang affection sa isa’t isa, huh!

Sheena tinawag na fake ng fans

Biktima rin ng bashing ng pekeng members ng AlDub Nation si Sheena Halili. Binibigyan ng malisya ang pagiging mabait niya kay Alden Richards.

Selos naman agad ang ilan pero ayon sa ilang fans eh, peke raw ang mga ‘yon.

Kaya bumuwelta si Sheena sa mga basher niya sa Twitter account niya.

“Don’t me! Di nyo alam ano ang binubulong ko. Eto lang ah, limitahan nyo rin kaya pagiging malisyoso nyo. Mabait si M & A. Walang makakatinag sa 2!”

Best friend ni Maine si Sheena sa Destined To Be Yours. Siya rin ang tulay sa kanila ni Alden upang ipaglaban nila ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

Arjo pinagmukhang tsonggo!

Pinagmumukhang demonyo na si Arjo Atayde sa Ang Probinsyano. ‘Yung maamo niyang mukha eh, dinungisan at pinaanyong salbaheng-salbahe, huh!

Siyempre, hindi puwedeng gawing fantaserye ang Kapamilya series kaya gawin na lang exaggerated ang ilang characters, huh!

Comment pa ng ilan, tila raw nagmukhang unggoy si Arjo sa bago niyang look.

Eh sa final episode last Friday ng Encantadia, pinadapa nito ang kasal nina Coco Martin at Yassi Pressman sa ratings. So hindi maiiwasang maging desperado ang team na nasa likod nito upang gawin ang lahat para umangat muli sa ratings.

Sa isang staff na nasa Kapamilya series na nakachikahan namin, nabanggit niyang andap na naman sila sa pagsisimula ng Mulawin vs. Ravena. May gusto nga silang sulutin na cast ng MVR pero huli na sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with