^

Pang Movies

Young actress na gusto pang sumikat, isinuka ng agency!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

How true na nag-try ang isang young actress na lumipat ng ibang agency para raw magkaoon naman siya ng bagong management dahil feeling niya ay hindi siya nabibigyan ng tamang exposure. 

Pero hindi raw siya tinanggap dahil may prime talent ang agency na siyempre ay hindi nila bibigyan ng kalaban dahil in fairness daw naman, talagang marami nang nagawa ang talent nila para sa kanilang company, simula pa nang pumasok ito sa kanila at hanggang sa ngayon, hindi sila binibigo nito sa mga projects na ibinigay nila sa kanya. Ang isa pa raw dahilan, may nakuha na silang isa pang young actress na naunang lumipat sa kanila, na hindi magiging threat sa kanilang prime talent.

Kaya raw nang-akit ng mas matanda Valerie aminadong ambisyosa!

 “Ambisyosa ako, gusto kong maging reyna, kaya sini-seduce ko ang hari yung sa Daragit, si Tito Roi Vinzon,”  kuwento ni Valerie Concepcion sa grand launch ng Mulawin vs Ravena na pilot telecast na mamayang gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7. 

“I will be playing Tuka, foster parent ni La­wiswis (Bianca Umali) at daranas siya sa akin ng hirap. No problem naman sa akin kung gumanap na akong mother ng mga teenage stars natin. Magiging teenager na si Heather Fiona ko sa October, she will turn 13 na. Si Carla Abellana nga ay nanay ni Bea Binene, saka ang mga Mulawin, hindi sila madaling tumanda.”

Hindi na ipinagkaila ni Valerie, na she’s into a relationship kay Francis Sunga, a Filipino who is now an American citizen and works as a court martial sa Guam kaya doon na ito naka-base. Four months pa lamang ang kanilang relasyon, pero siya ang madalas pumunta ng Guam para bisitahin ang boyfriend.

“Nagagawa ko iyon noong wala pa itong Mulawin vs Ravena. Ngayon, siya na ang dumadalaw dito once a month.  Nakilala ko siya through a friend, taga-Pampanga siya, may isa rin siyang anak, eight years old, pero hindi rin siya kasal.”

Natanong namin si Valerie kung kaya niyang iwanan ang showbiz, dahil mahirap ang isang long distance relationship, at papayag ba siyang sa Guam na manirahan?

Biro ni Valerie, kapag may wedding ring na ay saka niya pag-iisipan. Bago kasi si Francis, ilang relationships na rin nagkaroon si Valerie, pero walang natuloy sa kasalan. Kaya ayaw niyang umasa hanggang hindi pa talaga formal ang lahat. Hindi na rin daw naman siya bata, she’s already 29, kaya pag-iisipan na niyang mabuti ang relasyon niya ngayon. (sundan sa pahina 5)

Samantala, mamayang gabi na nga ang pilot episode ng Mulawin vs Ravena at magandang panoorin ang simula nito, dahil doon malalaman kung bakit nabuo ang mga Mulawin at ang mga Ravena, sa pagkukuwento ng taong ibon na si Aviona (Carla) at ng isang normal na tao, si Rodrigo (Tom Rodriguez).

Excited din si Regine Velasquez-Alcasid sa first telefantasya niya bilang si Sandawa, ang immortal goddess of nature and keeper ng Mt. Apo. First telefantasya rin ito ni Ariel Rivera as Panabon, representing the Tabon or ang Mulawin half-bloods.

Sina Direk Dominic Zapata at Don Michael Perez naman ang magpapakita ng husay sa pagsasadula nila ng binuo nilang concept, pagkatapos ipakita ni Direk Mark Reyes ang kanya namang obra na papalitan nila ngayon, ang Encantadia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with