^

Metro

Adik pa, bulagta sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 25-anyos na umano’y adik nang barilin sa mukha at katawan ng hindi pa ki­lalang salarin habang nag­lalakad sa Tondo Maynila, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Ryan Tom Cay, ng Ba­tangas St., Tondo, Mayni- ­­la.

Sa ulat ni PO3 Ryan Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:45 ng uma­ga, nang maganap ang pamamaril sa Molave St., malapit sa Tayabas Health Center,  sakop ng Brgy. 227,  Zone 21.

Sinabi ng mga residente na nakarinig sila ng putok ng baril at nakita na lang na nakahandusay sa kalye ang biktima.

May nakakita rin na papatakas ang isang lalaki na pinaniniwalaang siyang bumaril dito.

Aminado naman ang kaanak ng nasawi na guma­gamit ito ng iligal na droga. 

Sa impormasyon, naku­long na rin ang biktima sa kasong theft na kailan lamang ay lumaya.

Itinuturo naman ang vigilante group na may kinalaman sa pamamaslang.

 

vuukle comment

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with