^

PM Sports

Kapatid sa kapatid

Francisco Cagape - Pang-masa
Kapatid sa kapatid
San Miguel coach LeoAustria, Ginebra coach Tim Cone

MANILA, Philippines - Kapwa nakaukit ang San Miguel Beermen at Governor’s cup titlist Barangay Ginebra Kings ng malaking pangalan sa liga kaya inaasahan ang mainit na laban ngayong alas-7 ng gabi sa Game 1 ng best-of-seven championship series ng 42nd PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Beermen ay may 22 titulo mula noong 1975 kabilang na ang back-to-back All-Filipino Cups at isang hakbang na lang ang kanilang layo para maiuwi ang perpetual (Jun Bernardino) trophy habang siyam naman ang titulo ng Gin Kings, ang huli ay ang 2016 Governor’s Cup na nais nilang masundan ngayon.

Kung makukuha ng Beermen ang perpetual trophy, sila pa lang ang ikalawang koponan na mag-uuwi nito. Ang una ay ang Talk ‘N Text noong 2011-2013.

“Bago pa mag-start ang All-Filipino, gusto naming kunin ang perpetual trophy. Kaya kahit pagod na kami, gagawin namin ang makakaya namin para makuha ‘yun,” sabi ni 2013 MVP Arwind Santos.

Ito ang unang championship ng dalawang koponan simula noong 2006-2007 season. Nagwagi ang Gin Kings sa serye na ‘yun,  4-2 kung saan si Jayjay Hilterbrand ang Finals MVP at si Mark Caguioa ang Best Player of the Conference.

Tinalo ng Beermen and TNT KaTropa sa best-of-seven semis, 4-3 habang sumunod naman ang Gin Kings sa Finals sa pamamagitan ng parehong 4-3 panalo kontra sa Star Hotshots sa hiwalay na semis battle.

Ipinahayag din ni coach Leo Austria ang kanilang seryosong layunin na angkinin ang perpetual trophy.

“It’s a great achievement, kung maa-achieve namin ang perpetual trophy. But we’re not pressured, because we’re thinking one game at a time,” ayon naman kay Austria na nagkampeon sa Philippine Cup sa 2014-2015 season at 2015-2016 season.

Ayon naman kay Cone, baka hindi makalaro sa unang dalawang game ng Finals ang injured na si Joe Devance kaya isa sa malaking problema ng Gin Kings ay si 6’10 June Mar Fajardo, ang three-straight MVP ng professional league.

“I don’t even have a plan yet to stop June Mar (Fajardo). I’m not even sure if there’s a plan to stop him. I don’t think even Phil Jackson will figure out how to stop Fajardo. We’re just going to have to try to limit him as much as we can. You can’t stop him,” sabi ni Cone tungkol kay Fajar-do na nag-average ng 19.3 puntos, 14 rebounds, 3.6 blocks at 1.3 assists sa semis series.

“If Joe Devance plays, then he has to continue to take shots to numb his foot and I’m not okay with that anymore. I think we’ve done that enough and it bothers my conscience that he is doing that to his foot. So right now, we are debating on resting him for a couple of games,” dagdag ni Cone.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with