^

PSN Palaro

Ayo, Jarin pararangalan sa Collegiate Awards

- Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan nina Aldin Ayo at Jamike Jarin ang listahan ng mga pararangalan sa UAAP-NCAA Press Corps Collegiate Basketball Awards na gaganapin sa Enero 26 sa Montgomery Place Social Hall sa E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Gagawaran sina Ayo at Jarin bilang Coaches of the Year matapos dalhin ang kani-kanilang tropa sa kam­peonato sa magkaibang liga.

Tinulungan ni Ayo na makuha ng La Salle Green Archers ang ikasiyam na titulo nito matapos gapiin ng kanyang tropa ang Ateneo Blue Eagles sa pamamagitan ng matamis na sweep sa best-of-three championship series.

Ito ang ikalawang korona ni Ayo sa collegiate league kung saan una nitong dinala sa kampeonato ang Colegio de San Juan de Letran noong 2015 sa NCAA.

Sa kabilang banda, pinamunuan ni Jarin ang San Beda sa korona nang patumbahin nito ang Arellano University sa kanilang sariling championship series.

Ito ang nagsilbing magandang pabaon ng Red Lions kay Jarin dahil tuluyan na nitong nilisan ang kampo ng San Beda upang maging bagong head coach ng National University sa UAAP.

Maliban sa Coach of the Year awards, inaasahang papangalanan din ang Smart Player of the Year at ang Collegiate Mythical Five gayundin ang Pivotal Player, Impact Player, Super Senior at Mr. Efficiency.

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with