^

Pang Movies

Magandang actress lumalandi lang para pag-usapan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang dami na rin palang nakakapansin sa magandang aktres na napapanood paminsan-minsan sa TV shows. Feeling magaling ang aktres kaya sa laki ng kumpyansa sa sarili, nagiging OA na as in over na ang mga pinaggagawa niya. Parang napakalandi at maharot din ang dating niya kaya maiimbudo ka sa kanya.

Sabagay, balita namin na parang ginagawa lang niya sa screen or sa kanyang show na kuno malandi siya para lang daw lalo siyang pag-usapan na sa madaling salita daw ay sinasadya niya lang daw ang maging malantod talaga, for the sake of her career, Ganern!

Nora parang hindi na Superstar kung umasta

Iba talaga ang Superstar na si Nora Aunor, umabot sa Metro Manila Film Festival 2016 ang pelikula niyang Kabi­sera bilang isa sa pinakamagandang kalahok sa darating na filmfest ngayong December 25. Marami ang nalungkot lalo na ang mga batang sanay manood ng pelikulang pambata ‘pag araw ng Pasko. Akala kasi nila, puro indie films ang ipalalabas kaya naman nawalan ng gana ang mga bagets.

Kahit nga may advance show ang movie nina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, Regal Films at iba pang hindi napili ng filmfest committee, hindi lahat ng mga bagets ay nakapanood dahil wala pa ang kanilang datung na sa araw ng Pasko nila kikitain mula sa pinamaskuhan, caroling at iba pang source na pag-araw lang ng Pasko makukuha.

Dahil sa mga pangyayari, may ilang movies naman ang nagkaroon ng pagkakataon na ang kanilang pelikulang hindi pa natapos at inabutan ng deadline, ang siyang naging pampalit para makumpleto ang slots ng mga kalahok sa MMFF 2016. ‘Yan ang dahilan kung bakit biglang nagkaroon ng Kabisera ang hapag-kainan na ugaling Pilipino.

Ang head of the family, ama, ina, ang siyang nasa dulo ng dining table sa oras ng kainan na nakapaligid ang mga anak na magsasalu-salo. Ang swerte ng nag-iisang Superstar ng local movie world dahil siya ang mapalad na ina ng kasaysayan. At mga batikang artista ang kasama sa said movie na pawang matitindi sa aktingan, sina Ricky Davao, JC de Vera, Jason Abalos, Luis Alandy, na nagsabing dream come true (minus Ricky) sa pagiging artista nila dahil ang one and only Superstar ang kasama nila ng mahabang araw during shooting time. Hindi raw astang Superstar si Nora ‘pag nasa set na sila.

Pero, mas shocked kami sa guy behind the camera, the writer, the director na mas bagay mag-artista na walang iba kundi si Real Florido.

Napakagwapo, matalino at bata pa na ang dami na agad achievement sa mundo ng sining, more on movie making and writing stories and scripts for 11 years, naging direktor for television ng GMA at Cinemalaya Independent Films Director ng 1st Ko Si Red kung saan naging Best Actor si Dante Rivero sa MMFF noong 2014.  

Kredit kay Real Floredo ang mga awards ng Chicken, Parang Sirang Plaka, Saan Nagtatago Si happiness at iba pa. Pero dahil sa MMFF 2016 entry na Kabisera, hayan at makikilala na natin ang direktor-manunulat na ito. At ang other guy naman na talagang super bagets at pogi ay ang young son ng sikat na action director noon ng mga sikat na action stars tulad ng yumaong si Fernando Poe, Jr.  Si Arthuro Boy San Agustin ang tinutukoy namin at ang anak niya ay si June Boy San Agustin. Grabe, ang galing! Mabuhay ang MMFF 2016. Maligayang Pasko sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with