^

Pang Movies

Alden hindi makalimutan ang December 8!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden hindi makalimutan ang December 8!

Alden

Sixth anniversary in showbiz na today, December 8, ni Pambansang Bae Alden Richards. A week ago ay kausap namin si Mr. Richard Faulkerson, Sr. at nabanggit namin na malapit na anniversary ni Alden. Naikuwento niya na hindi nito malilimutan nang papuntahin sila ng GMA Network dahil gusto nilang maging Kapuso star si Alden. Naka-bus daw lamang silang mag-ama noon. Maaga pa lang ay umalis na sila sa Sta. Rosa, Laguna para hindi mahuli sa appointment. 

Marami na ngang achievement na nagawa si Alden. Nag-uwi na ito ng mga award at gumawa ng magagandang projects. Isama pa ang pagkabuo ng AlDub lovetem nila ni Maine Mendoza at ang isa sa tini-treasure niya ngayon, ito’y nang imbitahan siyang mag-host ng 21st Asian Television Awards sa Singapore, kasama ang mga sikat na Asian stars.

Sa tweet ng @AsianTVAwards kinabukasan, feel na feel na nagustuhan nila ang paghu-host ni Alden, “We love to have you next year! Do come back with your other half!” (referring to Maine Mendoza, the half of the AlDub love team).

Dapat ay ngayong araw na rin ang grand opening ng Quezon City branch ng kanyang original Concha’s Cafe sa Tagaytay City na matagal nang ni-request ng fans. Nasa finishing touches na lamang ang Concha’s QC na binisita ni Alden the other night at any day now, magaganap na ang grand opening ng two-storey restaurant. Ngayon pa lamang ay binabati na namin si Alden dahil in a span of one year, may dalawa na siyang restaurant. Last April 29, nag-open ang Concha’s Cafe in Tagaytay. 

Happy 6th anniversary pala in showbiz Alden.

Robin ipinasa na ang korona

Napaka-humble naman ng tinaguriang Action King na si Robin Padilla nang ipahayag niyang ipinapasa na niya ang kanyang action torch kina Dingdong Dantes at Coco Martin. Si Dingdong ang tampok sa primetime action drama series niyang Alyas Robin Hood sa GMA-7 doing stunts and action scenes sa pagganap niya bilang si Robin Hood para makatulong sa mga inaapi. Si Coco naman ay tampok sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN, na gumaganap bilang isang pulis-Maynila.

Mabilis namang nagpasalamat si Dingdong kay Robin, “Maraming salamat sa pagkilala sa aming trabaho @robinhoodpadilla. Ang inyong dedikasyon sa industriya at lalo na sa ating bayan ay magsisilbing inspirasyon sa aming henerasyon.”

Ika-6 mabilis!

Opening scene pa lamang ng Ika-6 na Utos last Monday, pagkatapos ng Eat Bulaga, pasabog agad ang acting nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, at Gabby Concepcion.

Ang bilis ng pacing ay napa­nood ang simula ng pagtatagpo nilang iyon at kita agad ang husay sa pag-arte ni Sunshine na laging ibinibigay sa bawat proyektong gawin niya. Hindi naman nagpatalo si Ryza sa pag-arte at kayang-kaya niyang makipagsabayan kay Sunshine, at tumanggap sila ng papuri mula sa director nilang si Laurice Guillen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with