^

Pang Movies

Paolo ayaw mag-expect ng award

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Maraming nag-expect kay Paolo Ballesteros sa grand presscon ng Die Beautiful na isa siyang Angelina Jolie o Julia Roberts, pero hindi, as Paolo Ballesteros siya at tumabi lamang siya sa standee ng character niyang si Trisha sa movie.

Overwhelmed si Paolo sa honor na ibinigay sa kanya nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan na nag-invite sila ng grupo ng mga artist na nag-perform at nagpasaya sa mga entertainment press. Pagkatapos ay mga pagbati sa kanyang birthday ng lahat ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga, ang number one na mahal at priority show ni Paolo, kaya hindi maalis na medyo napaiyak ang actor sa efforts na ibinigay sa kanya ng mga kasama at ng mga co-star din niya sa movie na present lahat ng gabing iyon. Biro tuloy ni Paolo, gustung-gusto raw siyang paiyakin nina Direk Jun at Direk Perci, dahil ilang beses na siyang nag-celebrate ng kanyang birthday, na laging siyang nata-touch tuwing kinakantahan siya ng birthday song.

Inamin din ni Paolo na ikinaiyak din niya kapag naalaala niya iyong hirap niya sa pagsu-shooting nila ng Die Beautiful na siya lamang mag-isa ang gumagawa dahil wala siyang PA (personal assistant), driver, at siya rin lamang ang nagmi-make-up sa sarili niya.

“Kaya kung ilang oras kaming nagsu-shooting, ganoon din katagal ang packing tape na ibinabalot ko sa katawan ko para maging sexy ako,” kuwento ni Paolo.  “Iyong marka ng packing tape, hindi na maaalis sa katawan ko.  Wala po naman akong reklamo dahil tinanggap ko ang role which is very close to me.  Dito kasi hindi lamang ako artista, make-up artist pa ako.”

Tulad sa Tokyo Film Festival, nag-e-expect ba siya ng pana­lo dito sa atin?

“Siguro good feeling lamang kung mananalo ako.  Pero hindi ako nag-i-expect, I’m just hopeful.”

Sa December 25 na mapap anood ang entry ng Regal Entertainment, Inc. at Idea First Company at natanong si Direk Jun Lana kung totoong may tinanggal siyang mga eksena na ipinalabas sa Tokyo International Film Festival at sa Toronto International Film Festival sa Canada.

“Hindi po namin tinanggal, may binago lamang ka­ming konti, tone down version lang ng eksena,” sagot ni Direk Jun. “Ginawa namin ito dahil gusto naming mapananood ito lahat ng mga kababayan natin dito. Gusto lamang naman naming mag­ pasaya, ayaw naming lumabas ang mga tao sa sinehan na magpapakamatay na sila sa napanood nila.  The movie will make the people happy once napanood nila ito.”

Hindi pa masabi ni Direk Jun kung ano ang magiging classification ng Die Beautiful mula sa MTRCB.  Pero wish nilang mabigyan ito ng Parental Guidance.

Tuloy ang parade of stars ng lahat ng mga kalahok na pelikula sa Metro Manila Film Festival sa December 23 at abangan na raw lamang kung ano ang pasabog nila.

May special participation sa Die Beautiful sina Iza Calzado at Eugene Domingo.  Si Iza, she will play as herself.  Pakiusap niya na sana raw kung paano tinangkilik ang movie sa Tokyo at sa Toronto, ganoon din ang pagsuportang ibigay naman ng mga kababayan natin sa pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with