^

Pang Movies

Die Beautiful mas malakas ang laban sa Pasko

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Die Beautiful mas malakas ang laban sa Pasko

Paolo

Ang pelikulang mukhang talagang matunog sa gagawing Metro Manila Film Festival ay ang Die Beautiful. Hindi lamang dahil sa panalo ni Paolo Ballesteros bilang best actor para sa pelikulang iyan sa Tokyo International Film Festival, kung hin­di dahil ang pelikula rin ang nanalong “audience choice” sa nasabing festival.

Ang audience choice, ang ibig sabihin ay mas nagustuhan ng nakararaming manonood, na nanga­ngahulugan din na kumersiyal ang Die Beautiful. 

Dahil diyan, mahirap ang sitwasyon. Inaasahan silang mananalo ng award at kikita rin. “Hindi man napa­kalaki ng kita pero kikita,” sabi ni Perci Intalan na involved din bilang isa sa mga producer ng nabanggit na pelikula.

“Alam namin hindi ganoon kasimple ang basta sumali sa Metro Manila Film Festival. Iyon lang float na gagamitin sa parada ay umaabot na sa 300 thousand ang gastos. Hindi ka puwedeng walang promo dahil ang gusto mo panoorin ka ng mga tao. I think that is what we lack sa indies, kulang ang promo and the movies, marketing game talaga iyan. Iyon ang reason kung bakit kami lumapit sa Regal. Kasi ang Regal, they have the expertise and resources para sa isang kumpetisyon kagaya ng MMFF,” sabi pa ni Perci.

Maganda iyong aim nila maging ng director na si Jun Lana.

“Ang gusto namin ay mapanood ng marami ang aming pelikula. Naipalabas na ang mga pelikula namin sa mga film festival sa abroad, pero iba ang feeling na ngayon ilalabas kami sa MMFF, marami kaming sinehan, at ang kalaban namin ay mga pelikulang magaganda rin,” pagbabahagi ng director.

Mukhang malaki nga ang advantage. Sikat na artista rin naman ang bida nilang si Paolo Ballesteros na napapanood sa Eat Bulaga araw-araw. Malaking factor iyan para sa kanilang pelikula, lalo na’t kung iisipin na ang sinasabi nga, ang ibang pelikulang kasali ay walang kilalang stars.

Hunk actors gagawing pambala ni Direk Erik

Wala ngang malaking stars ang isa pang pelikulang ka­sali sa festival gaya ng Seklusyon, pero sinasabi naman ng director nito na si Erik Matti na ang ibinebenta nila sa pelikula ay iyong concept, ang kuwento.

Sinabi nga ni Direk Erik, ilang buwan inabot ang shooting ng kanilang pelikula. Hindi kagaya ng ibang mga pelikulang tinatawag din nilang indie na ginagawa lamang ng limang araw. Sila talaga ang matagal ang shooting, kasi gusto nila malinis talaga ang pelikula.

Kung mapapansin din ninyo, wala ngang masasabing malaking stars ang pelikula pero naroroon si Ronnie Alonte na napapanood din araw-araw bilang dancer sa Showtime at may malakas ding following. Naroroon din si Dominic Roque. Kasali rin ang poging volleyball player na si John Vic de Guzman, at ang pogi ring mo­delong si JR Verceles. Maliwanag na ang mga heartthrob  na iyan ang isa sa kanilang magiging pambatak bukod nga sa katotohanang sila lang ang nag-iisang horror movie sa festival.

Kung pag-aaralan ang festival, laging hits ang mga horror movies na inilalabas kung ganyang panahon. Mukha ngang iyan ang paborito ng masa bukod sa comedy. Inaasahan ni Direk Erik Matti na ang kanyang pelikula ay kikita, “after all lahat naman kami gustong kumita”.

Indie mas kailangan ng advertising para kumita

Mukha ngang nagpo-promote ng kanilang mga pelikulang kasali sa festival ang mga producer. Hindi naman kasi puwede iyong kagaya ng ibang mga indie na ang ina­asahan lang ay social media para wala silang gastos. Kailangan nila ang advertising.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with