^

Pang Movies

Diego, Kiray, at Alex pasok sa mga artistang ‘minalas’ ngayong 2016

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Diego, Kiray, at Alex pasok sa mga artistang �minalas� ngayong 2016

Alex Gonzaga

Sad, sad, Salve that several of the supposed promising stars of 2016 seemingly failed to make it.

Una na rito na si Diego Loyzaga who has all the makings of a matinee idol, hindi lang dahil anak siya nina Cesar Montano at Te­re­sa Loyzaga, kundi meron din siyang “it” factor.

Maayos niyang nagampanan ang kanyang semi-kontrabida role sa hit series na Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa series ay adopted siya ni Jodi Sta. Maria, na na-nominate for best actress sa kanyang performance in the series sa katatapos lang na International Emmy Awards.

Jodi didn’t win, though. But it was honor enough na na-nominate siya.

Isa ring halimbawa ang dating Goin’ Bulilit mainstay na si Kiray Celis, na binigyan ni Mother Lily Monteverde ng pagkakataon na maging star ng isa niyang pelikula sa Regal Entertainment na Love Is Blind. Leading man pa nga niya roon si Derek Ramsay.

Wala kaming alam na major assignment na ginagawa sa kasaluku­yan ni Kiray. Recently ay may special appearance siya sa FPJ’s Ang Pro­bin­sya­no na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Samantala, malinaw na pasikat na sana si Beauty Gonzales na unang nakilala bilang Pinoy Big Brother (PBB) housemate nang magkaroon ito ng show bago ang It’s Showtime, ang Ningning.

Sa nasabing series, gumaganap siyang ina ni Jana Agoncillo, kaya nga lang, kinailangan siyang “patayin” sa serye dahil nagbuntis siya.

Ayon naman kay Beauty, wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari dahil ang kanyang anak na malapit nang mag-isang taon ang pinakamagandang nangyari raw sa kanyang buhay.

Alex napag-iwanan na ng mga kasabayan sa pinagbidahang serye

What has happened to Alex Gonzaga’s very promising showbiz career last year, is seemingly everybody’s guess?

Alex, after all, started right. Agad siyang na-welcome ng Kapamilya nang iwan niya ang TV5 kung saan siya nabigyan ng pagkakataon na maging TV host kasama si Cristy Fermin.

Hindi lang hinasa ng ABS-CBN ang talent ni Alex sa hosting kundi ang kanyang abilidad din na umarte in the true sense of the word.

Binigyan siya ng all-out come­dy role sa Inday Bote. Pagkatapos noon ay nagbida siya sa Pure Love, kung saan naman nasubukan ang kanyang kakayahan sa drama.

Habang nagsilbing “hagdan” ni Yen Santos ang Pure Love para mabigyan kaagad siya ng next soap, All of Me kung saan nakasama niya sina JM de Guzman at Albert Martinez, puro hosting jobs naman ang sumunod na napunta kay Alex.

Kasalukuyang napapanood si Yen sa Magpahanggang  Wakas kasama sina Jericho Rosales, Arci Muñoz, John Estrada, Gelli de Belen and Ronaldo Valdez, among others.

May pelikula rin siyang ginagawa, ang Once In A Lifetime na ang kanyang kapareha ay si Piolo Pascual.

Sa Pure Love rin unang nagpakitang-gilas bilang kontrabida si Arjo Atayde, na obviously siyang nagbigay ng idea kay Coco Martin, para i-suggest na siya ang gawing kanyang main nemesis sa FPJ’s Ang Probinsyano.

No one need to tell who, where Arjo is now.

Which brings as back to Alex: what is in store for her in 2017?

Can we ask Alex to answer said question herself?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with