^

Pang Movies

Fans ni Nora hindi pa nagpaparamdam!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Fans ni Nora hindi pa nagpaparamdam!

Nora Aunor at Paolo Ballesteros

Kung kailan maliliit ang lahat ng mga pelikula, at kung kailan lahat silang naglalaban-laban ay puro indie film, saka yata tahimik ang fans ni Nora Aunor. Noon na ang mga kalaban ng kanyang pelikula ay malalaki, may ambisyon silang makipaglaban sa box-office. May ambisyon din silang mahakot ang mga awards. Ngayon, kung kailan masasabing patas lamang ang laban, at saka yata sila natatahimik.

May mga nagsasabing siguro nga unti-unti na rin nilang natatanggap ang katotohanan na iba na ang pa­nahon. Parang “climate change” rin iyan. Wala na ang lakas ng fans ni Nora na makapagbibigay ng katiyakan na ang mga pelikula niya ay magiging ma­laking hit. Siguro nga may mga edad na rin naman kasi ang marami sa kanila kaya hindi na kasing aktibo noong araw.

Isang katotohanan din naman na napakaraming mga artista sa ngayon na siyang sikat, at nakikita namin na maski na ang mga lola ay humahabol kay Daniel Padilla, humahabol kina Alden Richards, Maine Mendoza at iba pang mga sikat na artista. Hindi tamang sabihin na dahil mga lola na sila, sa lolang artista rin sila hahabol.

Mukhang hindi na rin sila masyadong naghahabol ng awards. After all, masasabi ngang nakuha na ni Nora ang lahat halos ng awards, palagay naman namin tama na iyon. Isang katotohanan din ang wala nang katiyakan ngayon dahil nagbabago rin ang choice ng mga tao. Ilang beses na nga bang nangyari na si Nora ay tinalo ng mga baguhang hindi kilala?

Hindi lang minsan kung hindi tatlong beses nang nangyari iyan. Una siyang tinalo ni Teri Malvar. Tinalo siya ulit ni Hasmine Killip, at pagkatapos pinadapa siyang muli ng acting ni Laila Ulao. Hindi lang si Nora ang tinalo ni Ulao, pati na rin si Jaclyn Jose na kapapanalo lamang sa Cannes Film Festival bilang best actress, kaya maliwanag na walang may monopolyo ng mga awards.

Pero this time, maganda sana ang chances ni Nora dahil puro indie nga rin ang kasagupa niya. Walang pelikula si Vice Ganda na tatalo sa kanyang pelikula sa takilya. Wala ring pelikula si Vic Sotto na maglalampaso sa kanya sa kita. Pero ano nga ba ang tiyansa ni Nora?

Paolo hindi pa tiyak ang panalo

Sa kabilang banda, sinasabi naman nilang baka may malaking advantage na ang actor na si Paolo Ballesteros diyan sa film festival. Hindi nga naman biru-biro na nanalo na siya bilang best actor sa Tokyo International Film Festival para rin sa pelikula niyang Die Beautiful na siyang isinali sa film fest.

Iyang Tokyo International ay isa sa mga major film festival sa buong mundo. Kalinya rin iyan ng Cannes at Berlin. Hindi iyan isang hotoy-hotoy na festival.

Kaya nga sinasabi nila na mukhang malaki ang advantage ngayon ni Paolo Ballesteros laban sa iba pang mga artistang lalaking may pelikula sa festival. Pero hindi natin napapanood ang ibang palabas. Hindi mo rin masasabi kung sino ang pipiliin ng kanilang mga juror. Alalahanin ninyo na iyang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay kilala sa pagbibigay ng mga “surprise awards”, ibig sabihin mga award na kinagugulatan kung hindi man ay hindi pinaniniwalaan.

Bibsy magaling sa damage control

Naroroon kami noong isang gabi sa burol ng bete­ra­nong movie columnist na si Bibsy Carballo. Natatawa kami sa naging mga usapan noon. Napagkuwentuhan kasi ang ilang pangyayari sa buhay ng mga artista noong araw na hindi mo talaga aakalain na magagawa nila. Lahat pang-blind items lang.

Si Bibsy kasi ay isang magaling na PR lady, at napakagaling din sa “damage control” kaya siya ang tinatakbuhan noon basta may mga ganyang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with