^

Pang Movies

Charo nag-e-expect ng romantic movie after Humayo

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kung bibigyan pa muli ng chance si Ms. Charo Santos na makatrabaho ang director na si Lav Diaz ay willing daw ito sa kahit na anong role. Pero sana naman daw ay isang romantic love story. Kilala raw naman niya si Direk Lav na walang boundaries pagdating sa imahinasyon kaya alam niyang kaya ito ng direktor.

Pero kailangan niya rin daw gawin ang part bilang aktor kasama na rito ang pagmi-memorize ng mahahabang dialogue. Mahusay at mahirap pa naman daw kapag nagsulat si Direk Lav at masyadong poetic o lyrical na hindi puwedeng mag-adlib dahil mababago ang rhythm ng dialogue. Kaya kailangan kapag nagbitiw ng linya ay malinis.

Sa takot ni Ms. Charo na ipaulit sa kanya ni Direk Lav ang kanyang mahabang linya sa isang eksena sa Ang Babaeng Humayo na kasalukuyang napapanood sa mga sinehan ay pinilit ng dating boss ng ABS-CBN na mag-concentrate sa kanyang script, mabuti na lang daw at naitawid niya ang kanyang eksena.

Masaya si Ms. Charo dahil marami pa rin siyang natutunan sa bagong journey ng kanyang career at gusto pa raw niyang pag-aralan ang other side ng paggawa ng pelikula.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with