^

Pang Movies

Sarah seryoso sa DoReMi!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ilang beses na naming nakikita sa kung saan-saang social media post na interesado raw si Sarah Geronimo na gawin ang remake ng pelikulang Do Re Mi, na ginawa ng Neo Films, isang subsidiary rin ng Viva Films noon. Kagaya ng implied sa title pa lang ay musical iyon. Kaya nga siguro naipasok nila kay Sarah ang idea na gawin ang isang remake ng pelikula.

Ang natatandaan namin, naging pet project ni Mina Aragon ang pelikulang iyan, at kaya ganyan ang title ay hindi lamang dahil sa musical ‘yun kundi dahil ang mga artista ay sina Donna Cruz, Regine Velasquez at Mikee Cojuangco. Kumita naman ang pelikula but it was not the hit na inaasahan nilang mangyayari noon. Aywan nga ba kung ano ang naging problema pero ok naman ang pelikulang iyon at masasabi ngang iyon ay isang commercial movie. Si Ike Jarlego ang director ng naturang pelikula.

Noong panahong iyon, ang inaasahan nilang talagang babatak ng audience ay si Donna Cruz na ang mga naunang pelikula katambal noon si Ian de Leon ay naging malalaking hits. Si Regine naman ay sikat na sikat na noon bilang singer. Si Mikee Cojuangco ang baguhan, pero matagal na tumakbo ang kanyang drama series noon sa telebisyon kaya inaasahang may following din.

Kung gagawa nga sila ng remake ng pelikula, siguro magkakaroon ng comparison sa orig version nito. Ganoon naman lagi. Depende kung sino ang makakasama ni Sarah sa pelikula kung sakali, pero matindi nga ang casting nila noong araw. Bukod doon, sinasabing iyon ang isa sa pinakamahusay na musical-comedy na nagawa at pag ganyan, napakahirap nang ulitin.

Kagaya rin nga noong Bagets, napakalaking pelikula noon. Umiral ang “Bagets fever” sa buong Pilipinas. Pero nang gumawa sila ng remake sa telebisyon, hindi halos napansin at hindi nag-rate.

Mahirap ulitin ang record ng isang magandang pelikula.

Iyang Sinungaling Mong Puso, malaking hit iyan noong araw, at napaka-controversial na pinagbidahan nina Vilma Santos, Gabby Concepcion at Aga Muhlach. Controversial ang ginawang torture scene ni Aga sa pelikula. Tingnan ninyo noong mai-remake sa TV, hindi na masyadong napansin.

Mga pinagbibintangang may sex video dapat gayahin si Ate Vi

Ano ang pinakamahusay na depensa laban sa isang sex video? Dapat matuto na sila sa mga ginawa ng mga artista tungkol diyan. Una, maaari mong sabihing “hindi ako iyon”.

Eh ‘di ipilit nila, at kung magduda ang mga tao na ikaw nga ang nasa video, problema iyon ng naglabas.

Ikalawa, tumahimik ka na lang at hayaan mo na. Kagaya ng ginawa nina Wally Bayola at Hayden Kho, parang nawalan ng gana ang mga tao dahil wala silang reaksiyon. Lumabas iyon pero dahil hindi nila pinansin, hindi na rin pinansin ng mga tao.

Ikatlo, gayahin mo si Vilma Santos. Ginawan din siya ng ganyang tsismis noong araw, nag-alok siya ng isang milyong piso sa makapagdadala sa kanya ng kopya “no questions asked”. Eh dahil tsismis lang naman talaga, walang nakapagdala. Hindi mo nga lang magagawa iyan kung talagang may video ka.

Nangyari rin iyan sa isang sexy star noong araw, panahon pa ng betamax iyon. Kasama niya ang kanyang boyfriend. Hindi niya pinansin kaya walang nangyari. Iyang mga ganyan kasing kaso, habang pinipigil mo, lalong maraming nanggigigil na mapanood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with