^

Pang Movies

Jake kinumpirma, si Andi ang first love!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Twenty years-old pala si Jake Ejercito nang makarelasyon niya si Andi Eigenmann.

Inamin ni Jake sa interbyu ng YES! Magazine na si Andi ang unang babae na sinabihan niya ng “I love you.”

Sayang talaga dahil hindi humantong sa forever ang relasyon ng dalawa lalupa’t nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Hindi sinabi ni Jake ang tunay na dahilan ng break up nila ni Andi pero isang bagay ang sigurado, talagang minahal niya ang unica hija ni Jaclyn Jose.

Maglilimang taon na sa November si Ellie, ang anak nina Jake at Andi.

Kung pagbabasehan ang kuwento ni Jake tungkol sa love affair nila noon ni Andi, lumalabas na siya talaga ang biological father ni Ellie.

Bagets pa si Jake pero sa pagkakakilala ko sa kanya, magiging mabuti at responsible father siya sa anak nila ni Andi.

Nakakatiyak din si Andi na may bright future si Andi dahil si Jake ang daddy ng kanyang anak.

Paggamit ng samu’t saring droga ni Pacman, hindi na shocking!

Hindi shocking ang balita na naranasan noon ni Manny Pacquiao na gumamit ng illegal drugs pero nangyari ito noong kabataan niya.

Alam nating lahat na naging masalimuot ang buhay ni Papa Manny noong struggling boxer pa lamang ito pero ang importante, nagsikap siya, kinalimutan ang masamang bisyo at naging sikat na boksingero.

Alam ni Papa Manny ang pangit na epekto sa katawan at utak ng mga ipinagbabawal na gamot kaya suportado niya ang giyera laban sa illegal drugs ni President Rodrigo Duterte.

Dalawang pelikula may naganap na unahan sa playdate!

May nagkuwento sa akin na diumano, sinadya na ipalabas nang maaga sa mga sinehan ang isang pelikula dahil halos pareho ang kuwento nito at ng ano­ther coming soon movie.

Parehong malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang mga pelikula na tinutukoy ko. Malalaman natin kung alin sa dalawang project ang tinangkilik ng moviegoers.

Nakausap ko kahapon ang produ ng isa sa dalawang pelikula at kinumpirma niya na totoo ang tsismis na may naganap na unahan ng playdate.

Sec. Aguirre nanghinayang sa ginawa kay Sen. Miriam

Bumisita kahapon si Justice Secretary Vita­liano Aguirre sa burol ng labi ni Senator Miriam Defensor Santiago sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Kung matatandaan ninyo, nagkaroon noon ng isyu sa pagitan nina Mama Miriam at Aguirre dahil nagtakip ito ng tenga habang nagsasalita ang senadora sa impeachment trial noon laban kay Chief Justice Renato Corona.

Napanood sa national television ang pagtalak ni Mama Miriam kay Aguirre at mula noon, hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap, isang bagay na pinaghihinayangan ni Aguirre nang malaman nito na sumakabilang-buhay na ang brilliant lady senator.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with