^

Pang Movies

Lagot ang mga ‘nagtatago’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Lagot! Pati pala mga network i-o-Oplan Tok­hang na. Yup, as in kakatukin na rin ng mga kinauukulan ang mga TV network para warningan tungkol sa mga drug user and pusher sa kani-kanilang bakuran.

Inaabangan ngayon kung sino sa tatlong network – ABS-CBN, GMA, and TV5 ang uunahin. Ang TV5 wala na halos artista so malamang ma-focus ang pagkatok sa dalawang network.

Ito ay kaugnay sa mga sinasabing nasa listahan na showbiz personalities na hawak na raw ng PNP na mga gumagamit at nagtutulak ng droga.

Ang sabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa na mas kilala ngayong si Gen. Bato hindi lang sa mga network nila kakatukin ang mga umano’y sangkot sa illegal na droga kundi pati raw sa mga bahay ng mga ito ay gagalugarin na rin.

Kaya naman ini-encourage niya na lang ang mga ito na sumuko kesa makatok pa.

Sinasabing ang mga nahuling pusher ang nagbigay ng mga pangalan ng mga nasa listahan ng PNP.

Nauna nang natiklo ang dating sexy star na si Sabrina M. na matagal-tagal na ring walang career.

Pero kahapon ay kumalat ang isang video kung saan kitang-kitang humihithit siya ng ipinagbabawal na gamot.

DoReMi bubuhayin nina Sarah, Yeng, at Rachelle Ann

Bubuhayin nga ba nina Sarah Geronimo, Yeng Constantino, and Rachelle Ann Go ang pe­likulang DoReMi na pinasikat noon nina Re­gine Velasquez, Mikee Cojuangco, and Donna Cruz?

Nagbigay kasi ng idea si Rachelle Ann nang i-upload niya sa kanyang Instagram account ang picture nilang tatlo. “DoReMi remake??? What you think? Hmmm. I love these ladies so much!”

Matagal nang pinag-uusapan ang nasabing pagbuhay sa DoReMi.

Mga pelikula ng Kathniel naka-1 billion na raw

Nag-compute ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng mga kinita ng kanila pelikula sa limang taon nila sa showbiz. At sa nakuha nilang computation aabot na sa isang bilyon ang kinita ng limang pelikula ng magka-loveteam.

Nagsimula ito sa Must Be Love na P72.9-M;  Pagpag P177-M; She’s Dating the Gangster P250-M; Crazy Beautiful You P350-M at ito ngang Barcelona: A Love Untold na as of yesterday ay naka-more than P200 million na raw.

Ayon sa fans ng magka-loveteam wala raw itong padding dahil declared ito.

Till I Met You nakakuha ng 3.5-m views

Uy hindi naman pala natiti­nag ang suporta ng mga manonood sa kiligseryeng pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre na Till I Met You matapos itong mama­yagpag sa ratings sa bago nitong timeslot noong nakaraang linggo.

Nakapagtala raw ang Kapamilya teleserye ng average weekly nationwide rating na 18% (Setyembre 19-23), higit na mataas kumpara sa katapat nitong palabas ayon sa datos ng Kantar Media.

Bumuhos din ang suporta ng netizens sa magka-loveteam matapos na umani ng halos two million tweets ang official hashtag ng episode noong Miyerkules (Sept. 21) na #TIMYTheRooftopKiss at manguna sa listahan ng trending topics sa Twitter.

Hindi rin naman pinapalagpas ng mga manonood ang bawat episode ng naturang teleserye kaya naman ngayon ay umabot na raw ito sa higit-kumulang na 3.5 million views sa iWantTV mula nang umere ito noong nakaraang buwan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with