^

Pang Movies

Actor-politician initsapwera ang tapat na empleyado!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Hanggang ngayon ay may sama pa rin ang loob ng isa naming kasamahan sa trabaho dahil sa pagkatalo ng actor-politician na nakapaglingkod naman ng mahabang panahon sa mga kababayan. Una, sa local government, naging mayor, governor, at senador.

Maganda ang record niya, hindi naman siya corrupt, likas na may kaya sa buhay dahil sikat na artista noon at doon galing ang mga napundar niya. Itong kaibigan naming ito sa larangan ng showbiz ay dati ring nagdidirek ng mga TV shows, naging writer, nasubukan ding maging cameraman, at likas na maraming talento sa telebisyon.

Bata pa siya noon nang kunin siya ng nasabing ex-politician, nagbibinata, at kalaunan ay nakapag-asawa. In short, maganda ang relasyon nilang mag-amo.
Ngayon ay tapos na ang term ng actor-politician. Sinubukan niyang muling tumakbo nitong nakaraang eleksyon ngunit ‘di na ito pinalad manalo. Ang ikinatatampo ni katoto ay tila nabale-wala siya ng boss niya at pinaboran yaong mga kasama rin sa opisina. Siya itong naging maayos ang trabaho, dedicated, pero ngayo’y na-itsapwera na. ‘Di bale, pera lang ‘yan! Kinikita at nauubos din. Wala e, ganoon talaga ang life, parang buhay. Tsaka may karma dyan! 

Kiko nai-in love na kay Rhian

True ba na parang hulog na hulog daw ang loob ni Kiko Estrada kay Rhian Ramos? Sila kasi ang magka-loveteam sa afternoon series na Sinungaling Mong Puso.

‘Di raw maiwasang matameme ni Kiko tuwing may eksena sila ni Rhian. Wala namang masama! Walang sabit na pangingilagan ang binata pagkat single naman silang dalawa ng maganda at mahusay na aktres.

Ewan nalang kung pati si Rafael Rosell ay may tama na rin kay Rhian. Grabe din kasi ang mga role nila at talagang kaabang-abang ang maiinit na eksena tuwing hapon.

Female host hindi nag-invest sa mga lotion

Ewan ba namin dito sa isang lady co-host na ang hilig mag-short ng sobrang maikli pero pagkaitim-i­tim ng kuyukot! Napakarami namang pamahid o mga product na pwedeng gamitin na afford niya naman siguro. Sana aware siya, hindi kasi maganda tingnan. 
 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with