^

Pang Movies

Drug related pa rin Mayor Herbert at kapatid na si Hero idinemanda ng VACC!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kaloka naman ang balita na idinemanda kahapon ng mga opisyal at miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang magkapatid na sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Councilor Hero Bautista.

Hindi pala natapos ang isyu sa pag-amin ni Hero na gumamit ito ng illegal drugs at ang pangako nito na papasok siya sa drug rehabilitation center dahil nagsampa ang VACC sa Ombudsman ng mga kaso laban sa magkapatid.

Dishonesty at neglect of duty ang demanda ni VACC Chairman Dante Jimenez laban kay Papa Herbert dahil bumagsak nga sa drug test si Hero.

Nilabag daw ni Papa Herbert at ni Hero ang Executive Order 292 o Administrative Code for dishonesty, neglect of duty, misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of service as public official.

Inakusahan din ang Bautista brothers ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, Ordinance Adopting the Anti-Drug Abuse and Rehabilitation Program at Ordinance Implementing The Drug-Free Workplace at Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Hintayin natin ang official statement ni Papa Herbert tungkol sa aksyon na ginawa ng VACC laban sa kanila ni Hero dahil tiyak na sasagutin niya ang isyu.

Dahil sa pagso-solo sa condo, Rocco sugat-sugat ang kamay  

May mga sugat ang kamay ni Rocco Nacino pero hindi totoo na sinuntok niya ang dingding dahil sa paghihiwalay nila ni Lovi Poe. Nagkaroon ng sugat ang kamao ni Rocco dahil natalsikan siya ng mainit na mantika habang nagpiprito ng ulam. Indepen­dent living na ang drama ni Rocco as in wala siyang kasama na maid o alalay sa condominium unit niya sa Quezon City. Nag-decide si Rocco na mamuhay nang solo bilang paghahanda sa pagsasarili niya at sa dream house na kanyang ipatatayo.

Masuwerte ang babae na pakakasalan ni Rocco dahil responsible at masikap ito. Tiyak na magiging mabuting ama at asawa siya kaya may dapat panghinayangan si Lovi na umamin sa presscon ng Someone To Watch Over Me na naiisip pa rin niya ang kapakanan ng kanyang ex-dyowa.

Sa tingin ko, may chance pa na magkabalikan sina Rocco at Lovi pero nakadepende ang lahat sa huli dahil siya naman ang nakipaghiwalay. May mga naniniwala na may pagmamahal pa rin si Rocco kay Lovi.

Show ni Jennylyn da who ang ibang contestants

Ngayon ang last night sa telebisyon ng The Lip Sync Battle Philippines dahil papalitan na ito ng Superstar Duets, ang bagong celebrity singing competition program ng GMA-7.

Si Jennylyn Mercado ang host ng Superstar Duets at mga contestant sina Pekto, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace Aucina at ang stand up comedian na si Osang.

Huwag n’yo na akong tanungin kung kilala ko ba lahat ang mga contestant ng Superstar Duets dahil “the who” ang iba sa kanila as in hindi ko kilala. Baka sakaling matandaan ko na sila kapag pinanood ko tuwing Sabado ang bagong television show ni Jennylyn na matagal-tagal din na hindi napanood sa mga programa ng GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with