^

Pang Movies

Pak ganern... Kris P800 million and nasungkit na bagong kontrata?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong isang araw, ang mga kakuwentuhan ko ay mga insider mula sa tatlong malalaking networks. Minsan lang mangyari iyon, na naroroon ang isang taga-ABS-CBN, isang taga-GMA 7 at isang taga TV5. Kaya napakaraming kuwentuhan tungkol sa kani-kanilang networks.

Pero ang nakatawag sa aming a­tensiyon ay ang mga kuwento tungkol kay Kris Aquino. Simple lang naman pala ang naging dahilan ng pagbagsak ng negosasyon ng ABS-CBN ng pagbabalik ni Kris Aquino.

Hindi na siya inalok ng network ng gusto niyang five years contract. Ang iniaalok sa kanya ay two years lang. Hindi rin naman yata pinatulan ang masyadong malaking talent fee, at sila na ang nagsabi kung makakakuha siya ng better deal sa iba, then go ahead. Sinasabi na namin na ang kuwentong ito ay mula sa isang source sa tingin namin well informed.

Ang sabi naman ng taga-GMA 7, wala raw silang balita kung lumipat nga sa kanila si Kris Aquino. Wala naman daw sinasabi ang network. Officially, wala pang koneksiyon si Kris sa GMA kagaya ng sinasabi ng iba.

Ang maliwanag, ang managers na ni Kris ngayon ay ang APT ni Tony Tuviera, ibig sabihin kung ano man ang sinasabing shows na gagawin ni Kris ay maaaring i-produce ni Tuviera, at ilalabas lamang sa GMA 7 kung saan isa siyang block timer, o kung saan mang network makakapasok.

So far, sinasabi nilang iyan ang kasalukuyang status ni Kris Aquino. Kung saan nanggaling ang mga press release ng gagawin niya show, at ang kuwentong ang kanyang guaranteed contract ay 800 million ay hindi namin alam. Pero kung tutuusin maliit pa iyon. Alalahanin ninyo, si Sharon Cuneta ay kinuha noon ng TV 5 for one billion. Kulang pa ng 200 million ang offer kay Kris. Malalaman natin kung ano ang totoo dahil tahimik pa naman sila. Wala pang definite sa usapan. Ang narinig pa namin sa mga insider, pumirma siya ng kontrata nang hindi alam ng dati niyang ma­nagers na sina Boy Abunda at Deo Endrinal.

Deniece Cornejo ini-appoint na Ambassador of Goodwill

Nagulat din kami sa isang kuwento sa umpukang iyon, dahil biglang may nagsabi, “ginawang ambassador si Deniece Cornejo”. Si Deniece kagaya ng alam natin ay isang model na masasabing sumikat at napansin nang husto dahil sa controversy ng bugbugan ni Vhong Navarro.

Nagtanong din kami, may alam ba siya sa foreign service? (sundan sa pahina 5)

Pero nang hanapin namin ang kuwento, siya naman pala ay ambassador of goodwill lamang ng isang pribadong samahan na tumatangkilik sa mga proyektong pang-kabataan.

Kaya ang sinasabi niya, ang gusto niyang makausap ay si National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra, hindi naman si President Digong.

Iyan namang ambassador of goodwill, honorary title iyan. Ilan na bang mga artista ang naging ambassador of goodwill, kaya hindi na issue iyan.

Dating aktor nasaid na ang datung, wala kahit pamasahe papunta sa uutangan!

Humihingi ng tulong ang isang dating male star na matagal nang jobless sa isa niyang kaibigan.

Willing to help naman sana ang kaibigan, pero ang sunod na text ng male star, “wala naman akong pamasahe papunta sa inyo”.

Ang punto namin, dapat bang umabot hanggang sa ganoon ka-miserableng sitwasyon ang buhay ng isang artista? Pero nangyayari talaga ang ganyan, kaya kailangan talaga magpatupad na ng welfare fund para sa kanila kagaya ng balak ni Kuya Germs noong araw. Kaso wala namang kumikilos noong mawala na si Kuya Germs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with