^

Pang Movies

Panggagaya ni Paolo sa GOT stars bumida sa US magazine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na talaga maabot si Paolo Ballesteros dahil may article na naman tungkol sa make up transformation niya.

Lumabas sa bagong isyu ng isang Hollywood entertainment magazine ang write up tungkol sa panggagaya ni Paolo sa mukha ng mga artistang babae ng Game of Thrones.

Matagal nang inilabas ni Paolo ang pictures ng make up transformation niya sa Game of Thrones girls pero ngayon lang ito pinatulan ng In Touch magazine.

Si Julia Roberts ang cover ng magazine at dahil hindi updated ang staff ng In Touch, hindi nila alam na kopyang-kopya rin ni Paolo ang mukha ng original Pretty Woman.

Malapit na ang pagbabalik ni Paolo sa Eat Bulaga at bonggang-bongga ang comeback niya dahil sunud-sunod ang kanyang projects, ang Die Beautiful at ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?

Super close na sina Paolo at Anne Curtis kaya asahan natin na gagayahin na rin ng actor ang hitsura ng co-star niya sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend. Napakadali na kopyahin ang mukha ni Anne dahil hindi nagkakalayo ang porma ng kissable lips nila ni Julia Roberts.

PNP Chief Bato pilit ginigisa

ni Sec. De Lima na wala namang nagawa sa problema ng droga nung nasa DOJ pa

Sa totoo lang, may disappointment ako na nararamdaman kapag napapanood ko sa TV ang senate inquiry tungkol sa extra judicial killings na iniimbestigahan ng mga senador sa pangunguna ni Senator Leila de Lima.

Nakakalungkot isipin na maraming tanong ang mga senador kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa at sa ibang mga miyembro ng Philippine National Police tungkol sa mga drug addict at drug pusher na namamatay at pinapatay pero ilang taon na silang mga nakaupo sa puwesto and yet, wala silang nagawa para masugpo ang talamak na pagkalat ng illegal drugs.

Naalaala ko tuloy ang sinabi ni Congressman Lito Atienza nang magkita kami noon. Ang sabi ni Papa Lito, paano na lang kung hindi si President Rodrigo Duterte ang nanalo? Ano na lang ang mangyayari sa bansa natin?

Edu hoping na hindi magiging ulyanin

Hoping si Edu Manzano na hindi siya magkakaroon ng Alzheimer’s Disease tulad ng karakter ni Tom Rodriguez sa Someone To Watch Over Me.

Sixty-one years-old na si Edu sa susunod na buwan pero walang-wala sa hitsura niya na senior citizen na siya. Health conscious si Edu kaya mahilig siya na magbasa at alam niya ang mga sign ng Early-onset Alzheimer’s disease.

May personal experience si Edu tungkol sa nasabing sakit dahil nagkaroon ng Alzheimer’s disease ang kanyang nanay na si Mrs. Nenita Manzano bago ito namatay. Alam ni Edu kung gaano kasakit ang makita na hindi na siya kilala ng nanay niya.

Max si Pancho na ang gustong forever

Kung si Max Collins ang tatanungin, gusto niya na si Pancho Magno na ang kanyang maging forever.

Hindi na itinatago nina Max at Pancho ang relas­yon nila dahil umaamin na ang dalawa at naglalagay sa social media ng mga litrato na magkasama sila.

Mapapanood si Max sa Someone To Watch Over Me at mainstay si Pancho ng Encantadia kaya medyo limitado ang pagkikita nila dahil busy sila sa taping.

Camp Sawi palabas na

Reminder please, ngayon ang first day sa mga sinehan ng Camp Sawi, ang must watch movie ng Viva Films. Dumaan sa pagkasawi sa pag-ibig ang karamihan sa mga nagmahal kaya dapat lang na panoorin nila ang pelikula nina Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Kim Molina, Arci Muñoz at Bela Padilla.

Para rin sa mga hindi pa nasasawi sa pag-ibig ang Camp Sawi para makakuha sila ng pointers, just in case na masawi sila sa kanilang future lovelife.

Naranasan ko nang masawi sa pag-ibig pero mas affected ang mga ex ko dahil fully paid sila sa pagmamahal at panahon na inaksaya ko sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with