^

Pang Movies

Ruffa at mga anak nagkamali ang flight pa-Europe

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Stressed si Ruffa Gutierrez kahapon nang mag-text siya sa amin. Nasa Doha, Qatar si Ruffa kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas at ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

May stopover sila roon pa-Europe, pero naloka raw siya na mali ang connecting flight na na-booked sa kanila. Halos 12 hours daw silang maghihintay sa Doha ng kanilang connecting flight. Pero tina-try na raw nilang maayos ‘yun at nang i-message namin uli siya, hindi na siya sumasagot at mukhang nakakuha sila ng mas maagang connecting flight pa-Europe.

Pops nagti-training sa Korea

Kahapon ay ka-Viber chat namin si Pops Fernandez. Nasa Korea pa pala siya. Ilang araw na rin sa Korea si Pops, pero hindi naman siya basta nagliliwaliw. Nagte-training daw siya roon para sa isang business na pinasok na hindi pa niya kinukuwento kung ano.

Biniro namin si Pops na baka may Korean na magkagusto sa kanya, pero dedma na siya. Basta lovelife na niya ang inuusisa namin, mas gusto ni Pops na manahimik na lang. ‘Yung ex-boyfriend nga niya na banker, aba, naghiwalay na sila at lahat, pero ni hindi niya ipinakilala masyado sa mga taga-showbiz at nanatiling tikom din ang mga labi ni Pops tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila.

Samantala, pagbalik ni Pops ng ‘Pinas, aasikasuhin na niya ang concert nina AiAi delas Alas at Lani Misalucha sa KIA Theater sa September 17. Si Pops ang producer ng naturang concert.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with