^

Pang Movies

Encantadia stars, sa Gen San naman ang punta

Pang-masa

MANILA, Philippines – Talagang walang makapipigil sa mahikang taglay ng GMA telefantasya na Encantadia dahil darayo naman ngayong weekend sa General Santos City ang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro kasama ang kanilang co-stars na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid para sa isang Kapuso Mall Show.

Matapos ngang unang lumabas ang mga Sang’gre sa serye ngayong Linggo, magpapasaya naman ng kanilang fans ang mga Sang’gre sa Convention and Events Center ng KCC Mall ngayong Sabado. Magsisimula ang mall show sa ganap na 5 p.m.

Matatandaan nitong unang bahagi ng Hulyo, 7,000 Cebuanos ang nakisaya sa kanila sa South Town Centre sa Talisay City sa Cebu. May 6,000 namang Davaoeños at Tagumeños ang dumagsa sa Gaisano Mall sa Tagum City noong June 26.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with