^

Pang Movies

Alden hindi pa alam ang mga susunod na mangyayari sa career

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bagama’t iyon ay talagang parang thanksgiving party lamang ni Alden Richards, kasama ang entertainment press, dahil sa sunud-sunod na tagumpay ng kanyang mga projects, hindi maialis na matanong din siya kung ano pa ang mga balak niya pagkatapos ng lahat nang nangyari sa career niya.

Inamin niya na may pinag-uusapan na raw isang serye na kung saan magkakasama sila ni Maine Mendoza. Pero sinabi niyang wala pa raw siyang masasabi dahil pinag-uusapan pa lang iyon at kung ano man ang projects na ipagawa sa kanya ng network, iyon siyempre ang uunahin niya.

Natural lang naman iyon dahil ang kontrata ni Alden ay sa network, at hindi naman masasabing pinababayaan siya. Lahat naman ng projects na gawin para sa kanya ay maganda.

Kung natatandaan ninyo, doon sa huli niyang serye na tungkol sa buhay ni Jose Rizal, nanalo pa siya ng award.

Pero naniniwala rin kami na talagang dapat samantalahin ng network na igawa ngayon ng isang serye sina Alden at Maine. Base sa kinita ng kanilang pelikula, tiyak na kung gagawin mo iyon sa telebisyon ay mangangahulugan iyon ng napakataas na ratings.

Kung sa sine na may bayad, sinuportahan sila ng kanilang fans, eh di lalo na sa telebisyon na manonood lamang naman sila. Kung iyong dating ratings na isinasampa ng AlDub ay makakaya rin nilang gawin sa primetime, aba eh maglulupasay ang sino mang matapatan nila.

Ang akala rin namin noong una ay nagse-settle na ang popularidad ng AlDub, mukhang nababawasan na iyon. Pero papaano mo nga ba maipapaliwanag na naging hit sila sa mahigit na 236 sinehan sa buong bansa. Gaano karaming mga tao iyong humugos sa mga sinehan.

Anak ni Marcos inalok na bumida sa pelikula

Nagbibiro pa si Senador Bongbong Marcos nang dumating sa kanyang luncheon na ipinatawag para sa press.     

Sabi niya, hindi raw siya ang personality doon dahil alalay lamang siya ng mas sikat na ngayong anak niya, si Sandro Marcos.

Nagsimula iyan nang isama rin ni Senador Bongbong si Sandro sa simula pa lamang ng kanyang kampanya. Marami ang nakapansin sa poging si Sandro. Marami ang nakikipag-picture taking sa kanya. Marami rin ang humihingi ng kanyang autograph. At sa akala ba ninyo ay makakaligtas iyan sa mga taga-showbiz?

Nagkagulo rin sila kay Sandro, at sa totoo lang may producer na raw na nag-aalok na gumawa siya ng pelikula, pero gusto ni Sandro na matapos muna niya ang kanyang masters’ degree bago ang kahit na ano pa man.

Pero si Senador Bongbong, naniniwala naman siyang wala man siya sa puwesto ngayon, may magagawa pa rin siya. Makikipagtulungan daw siya sa gobyerno, dahil naniniwala siyang kung ang gobyerno ay magtatagumpay, tagumpay din naman iyon ng buong Pilipinas.

Sana nga matulungan ni Senador Bongbong ang industriya ng pelikula, at sana payagan na rin niyang mag-artista si Sandro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with