^

Pang Movies

Kahit walang project, Meg tiba-tiba sa isang milyong napanalunan!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., hindi man magkaroon ng showbiz assignments si Meg Imperial sa susunod na mga buwan, well, wala siyang dahilan para mabahala financially.

Napanalunan pala kasi niya ang jackpot na higit sa isang milyon piso sa bagong game program ng ABS-CBN, Minute To Win Last Man Standing.

Ilan sa mga Viva Entertainment contract ta­lents si Meg na medyo natagalan bago nagkaroon muli ng TV assignment.

Kasalukuyan siyang may special appearance sa seryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

In fairness may mahalaga sanang role si Meg sa Bakit Manipis ang Ulap, which Viva Entertainment co-produced with TV5. Directed by Joel Lamangan.

Kasama rin sa serye sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Bernard Palanca at Cesar Montano.

Pero common knowledge, half-way through the airing of the series, na-hospitalize si Claudine.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng bagong assignment si Diether. In the case of Cesar, na-feature siya, kasama si Meg, sa ilang episode ng Ang Probinsyano.

Si Bernard naman ay may short role sa Born For You, na sina Janella Salvador at Elmo Magalona ang mga bida.

He supposedly died earlier sa soap. Yet pusulput-sulpot pa rin ang kanyang role, bilang asawa ni Vina Morales at ama ni Janella.

Also in Born For You are Ariel Rivera, Ogie Diaz, Freddie Webb, Smokey Manaloto, Katya Santos, Francis Magundayao at Gina Pareño.

Charo ini-enjoy ang pagiging retirado

Talk about someone who, no doubt, is enjoying life after retirement. And we have Charo Santos-Concio, who, in October last year, retired as CEO and President of ABS-CBN.

Ngayon sa edad na 60, mas na-e-enjoy daw niya ang buhay dahil mas marami siyang oras sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga apo.

Siya pa rin naman ang host ng Maalala Mo Kaya (MMK). Dahil gusto niya ang pagsi-share ng mga payo sa kanyang mga viewer.

At obviously, isa sa mga payo ni Charo na talaga namang dapat isaisip ay ang pag-iipon.

She is thankful, she revealed to Sun Life Financial, bilang isa sa mga latest endorsers nito para tumulong sa pag-promote ng kanilang bagong programa, Money for Life.

Kasama ni Charo bilang endorsers ng Sun Life Financial ang three other Kapamilya celebrities na sina Piolo Pascual, Judy Ann Santos at Matteo Guidicelli.

Bagong endorser din nga pala si Charo ng isang kilalang anti-aging cream.

Joseph kakaribalin si Enrique

Bagong addition sa cast ng Dolce Amore si Joseph Marco, na huling napanood sa seryeng Pasion de Amor.

Gumaganap siya bilang spoiled brat na grandson ng mag-asawa na sina Noel Trinidad at Lollie Mara.

Pero ang agad na iniisip ng mga tagasubaybay ng show, magiging eventually karibal siya ng karakter na ginagampanan ni Enrique Gil sa pagtingin at pag-ibig ni Se­rena (Liza Soberano).

Pumayat lang yata ng sobra ngayon si Joseph.

In any case, Salve A., kung may eksenang hinihintay kami bilang avid viewer ng series, ito ay kung ano ang tunay na relasyon nina Enrique at Cherrie Gil.

Ampon lang  nina Edgar Mortiz at Rio Locsin si Enrique.

Dina wala sa hitsura ang pagiging golden girl

Sa nakaraang unang SONA (State of the Nation Address) ni Presidente Digong Duterte, isa si Dina Bonnevie sa ilang showbiz celebrities na hindi naispatan ng mga TV viewer.

Newly elected Representative ng Ilocos Sur ang husband ni Dina na si Deogracias Savellano na da­ting bise gobernador ng nasabing na probinsiya

Now in her 50’s Dina looked glamorous sa kanyang kasuutang gray printed blazer on top of an electric blue dress.

Dina’s colleagues sa showbiz get the chance na makasaluha siya, kapag pumapasyal siya sa isa sa mga paboritong restaurants sa scout area, bukod sa Annabel’s ng mga taga-local entertainment, ang Victorino’s, which reportedly owned by a relative of Dina’s husband.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with