^

Pang Movies

Cong. Alfred nag-propose ulit sa misis

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magaganap sa susunod na taon ang church wedding ni Congressman Alfred Vargas at ng kanyang misis na si Yasmine Espiritu.

Nag-propose si Alfred kay Yasmine ng church wedding noong Sabado sa isang sosyal na restaurant sa Quezon City.

Secret na secret ang proposal ni Alfred dahil baka makarating kay Yasmine ang plano niya pero nagtagumpay naman siya na maglihim sa kanyang dyowa na happiest woman on earth noong Sabado.

Tiyak na mga flower girl sa church wedding nina Alfred at Yasmine ang kanilang mga anak na sina Alexan­dra at Aryana.

Si Aryana ang bunsong anak na type na sundan ang yapak sa showbiz ni Alfred dahil siya ang mahilig kumanta at umarte.

May simbahan na napili sina Alfred at Yasmine para pagdausan ng kanilang kasal.

Pinag-uusapan na nila ang mga detalye, ang venue ng wedding reception, ang gagawa ng bridal gown at kung anik-anik pa.

Hands-on wife and mother si Yasmine. Knowing her, aasikasuhin niya pati ang maliliit na detalye ng church wedding nila ng kanyang “Amore”.

Amore ang tawag nina Yasmine at Alfred sa isa’t isa bilang may Italian blood si Mrs. Vargas na nakilala ni Alfred sa isang show sa Sta. Cruz, Laguna noong 2008. Mula noon, inseparable na sila.

May nag-offer noon kay Yasmine na subukan ang pag-aartista pero tumanggi siya at tama ang kanyang desisyon dahil mas maganda at maligaya ang buhay niya ngayon.

Asawa ni Alfred na si Yasmine, hindi takaw-eksena ang gown sa SONA

Dadalo si Alfred Vargas sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte bilang siya ang house representative ng 5th District ng Quezon City.

Kasama ni Alfred sa pag­dalo si Yasmine kaya siguradong tungkol sa plano nila na pagpapakasal ang isa sa mga itatanong sa kanila ng mga reporter na nakaabang sa mga darating na bisita sa Batasang Pambansa.

Dahil bawal na ang mga mararangyang gown sa SONA, tiniyak ni Yasmine na simple at hindi takaw-pansin ang damit niya sa SONA ni Papa Rody.

Ang fashion designer na si Stephanie Tan ang gumawa ng damit ni Yasmine. Anak si Stephanie ng Seiko Films producer na si Robbie Tan.

Ganyan ka-loyal si Alfred at ang pamilya niya sa tao na nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz.

Yasmien buo ang tiwala sa mister na piloto

Kahit anong pang-iintriga ang gawin kay Yasmien Kurdi ng mga reporter tungkol sa mga piloto na guwapo na puwedeng magkasala sa misis, hindi siya affected dahil buong-buo ang tiwala niya sa kanyang mister na si Rey Soldevilla.

Piloto kasi ang asawa ni Sunshine Dizon at piloto rin ang dyowa ni Yasmien pero dedma ito sa mga intriga dahil secured na secured siya sa pagmamahal ng mister niya.

Sa totoo lang, isip-bata si Yasmien noong dalaga pa siya. Malaki ang ipinagbago niya nang magpakasal sila ni Rey at nang magsilang siya ng baby daughter.

Ideal mother and wife si Yasmien dahil kahit pagod at puyat siya sa tapings ng Sa Piling Ni Nanay, may oras siya para ipagluto ng mga pagkain ang kanyang mag-ama.

Mga pagkain dahil maraming klase ang niluluto ni Yas­mien na kaligayahan na ang paglingkuran ang kanyang asawa at anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with