^

Pang Movies

Jessy pinamili ng mamahaling gamit ang kapatid!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napakaraming bashers ni Jessy Mendiola at bawat kibot yata ng Kapamilya young actress ay may namba-bash sa kanya.

Pero hindi naman inuurungan ng nanay ni Jessy, si Didith Garvida ang mga basher ng anak.

Kilala namin si Didith na Joan ang tawag namin, at palaban talaga ito. Hindi siya basta-basta pumapayag na maapi ang kanyang mga anak.

Noong pasukin din ng ate ni Jessy ang showbiz, si Pam, hindi rin pumapayag ang nanay nila na basta maapi ito.

Hindi nga lang kasing-tibay ni Jessy si Pam dahil nagdesisyon ito na magpunta na lang sa Dubai, United Arab Emirates at doon na lang magtrabaho.

Marahil kung nasa showbiz world pa rin si Pam, hindi lang ang nanay nila ang nagtatanggol kay Jessy sa mga basher kundi pati na rin siya.

Kahit negative ang dating ni Jessy sa kanyang bashers, alam naming mabait ang dalaga dahil sa mga kuwento ng kanyang nanay at ate.

Very supportive nga si Jessy sa kanyang pamilya.

Naikukuwento nga sa amin noon ni Pam na dahil mas malakas kumita si Jessy, never itong nagdamot sa kanya at nagugulat na lang siya sa mga bagay na binibili ng kapatid para sa kanya.

Nang mapabilang sa isang TV series si Pam na hindi na naipalabas ng TV5, naringgan na may isang taga-production na namintas sa mga gamit ng ate ni Jessy.

Nang makarating kay Jessy ang kuwentong ‘yon, ipinamili niya ng mamahalin at magagandang mga damit ang kanyang ate para magamit sa taping ng series na ‘yon.

Maka-pamilya si Jessy!

Jaya nakikipagsapalaran pa lang sa Dos

Inaayos na raw ang pagpasok ni Jaya sa ASAP.

Galing ng GMA 7 si Jaya at nakikipagsapalaran siya ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.

Walang kontrata sa It’s Showtime si Jaya bilang isa sa “on call” hurado ng Tawag ng Tanghalan, pero posible raw na magkaroon siya ng show contract sa ASAP.

Tiyak na magiging maganda ang exposure ni Jaya sa ASAP lalo na ngayong halos bumabalik na ang show sa original format nila na mala-concert ang dating.

In fairness, gumaganda na uli talaga ang ASAP at enjoy ang viewers sa napapanood nila na tila nagko-concert on live television ang mga idolo nilang singers, pati na rin ang mga artista ng Kapamilya network!

Bumilib nga pala ang marami sa desisyon ni Jaya na mag-ober da bakod sa Dos dahil wise move raw ‘yon lalo na at mukhang wala na rin siyang lugar sa Siyete, huh!

Solenn tirador din pala ng lechon!

Kahit napaka-sexy ng dating niya, kumakain naman pala ng pork itong si Solenn Heussaff.

Noong birthday niya kamakailan, pinadalhan siya ng lechon ng manager niyang si Leo Dominguez at sarap na sarap daw sa pagkain si Mrs. Nico Bolzico.

Nagagawang kumain ni Solenn ng kahit na anong magustuhan niya dahil kahit sobrang busy, talagang nag-e-effort siya na mag-exercise.

Isa si Solenn sa mga taga-showbiz na basta may bakanteng oras, isinisingit ang pag-e-exercise, kaya naman maintain na maintain niya ang kanyang sexy figures.

Sa tingin nga pala namin, sa rami ng showbiz commitments ni Solenn, mukhang wala pa sa plano nila ng mister na si Nico na mag-anak kaagad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with