^

Pang Movies

Pagreretiro eklay lang Pacman may naka-set na laban sa Oktubre!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang hindi totoo ang press release ni Manny Pacquiao na magre-retire na siya sa paglaro ng boxing.

Nasabi na niya na huling laban na niya ang naganap noong nakaraang April kung saan tinalo niya si Timothy Bradley.

Magko-concentrate na raw siya sa kanyang pagiging politician at nanalo naman siya bilang senador noong nakaraang eleksyon.

Ngayon ay may balitang may naka-set siyang laban sa October 15 sa Mandalay Bay in Las Vegas.

Pero ayon sa kanyang promoter na si Bob Arum ay hindi pa raw confirmed kung matutuloy si Manny dahil kakatalaga lang sa kanya bilang isang senador.

“We have the date… just to protect ourselves,” diin ni Arum.

Magsisimula na nga ang senate session at parang hindi naman daw tama na kakaupo lang ni Manny bilang senator pero bigla na naman itong mawawala dahil uunahin pa nito ang makipagboksing ulit.

Darating sa bansa si Arum on July 4 para magkausap sila ni Manny sa kung ano ang kanilang gagawin.

“He doesn’t know. He has to see what committees he has, what kind of hearings he has,” sey pa ni Arum.

“It’d be a good fight, and even if Manny would lose and wanted to keep fighting, he’d still be an attraction.”

Mga pinagpipilian nila na puwedeng makalaban ni Manny sina Adrien Broner at Keith Thurman.

Wala raw sa plano ang magkaroon ng rematch with Floyd Mayweather, Jr. dahil nag-retire na ito sa boxing.

“Definitely not Mayweather. We’ve been told he’s not ready to fight yet. Otherwise, of course, we’d consider that,” pagtatapos pa ni Bob Arum.

Snooky nabaitan kay Maine

May pinost sa kanyang Instagram account ang aktres na si Snooky Serna tungkol sa pagiging isang genuine na tao ng kalyeserye star na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Nagkaroon ng pagkakataon ang former Regal baby na makilala si Maine at ramdam niya ang pagiging mabuting tao nito.

“Stay the way you are, Maine! May God bless you always,” post pa ng Poor Señorita star.

Sa tinagal kasi ng pagiging artista ni Snooky, nakasalamuha na niya ang iba’t ibang klaseng mga artista. Iba’t ibang ugali rin daw ang kanyang nasaksihan sa mga artistang ito.

Noong ma-meet niya si Maine, agad niyang nakita ang magandang aura nito at alam niyang mabait at matulungin na tao ito.

Kaya kasama si Snooky sa mga nagdarasal na maging box-office hit ang pelikula nila Maine at Alden Richards na Imagine You & Me na ipapalabas na sa July 13.

Chef Boy senior citizen na

Ang magtayo ng isang culinary university sa Compostela Valley ang isa sa mga wishes ni Chef Boy Logro sa kanyang 60th birthday.

Officially ay senior citizen na raw si Chef Boy at gusto niyang marami pa siyang matulungan sa pamamagitan ng kanyang mga nalalaman sa pagluto.

Kaya masusing inaasikaso na niya ang pagtupad ng kanyang culinary university.

“Alam mo napakasaya ng birthday ko kasi 60 na ako.

“Kasi ‘yung Senior Citizen ko puwede na.

“You know my dream? Gusto ko po talagang tulungan ‘yung mga Pilipino.

“That’s why I’m planning to put up a culinary university in Compostela Valley.

“Ginawa ko na po, malapit na po, implementation na lang, nandiyan na lahat.

“Then, ‘yun nga po graduate na ako ng high school then later on doctorate na ako sa isang university. Ang tawag sa akin Doctor Pablo Logro.

“’Yun lang po, accomplished na po. Tama na po ‘yun, ‘yun po ang pangarap ko,” diin pa ni Chef Boy.

Patuloy na tinatangkilik ang kanyang cooking show sa GMA News TV na Idol Sa Kusina kunsaan kasama niya si Bettinna Carlos.

Sa kanyang birthday special, ang kanyang matagal nang crush na si Ms. Nova Villa ang kanyang natatanging panauhin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with