^

Pang Movies

Pagkababa ng puwesto, P-Noy nakipagharutan agad sa mga anak ni Kris

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sunud-sunod ang post ni Kris Aquino kahapon sa kanyang Instagram account matapos ang pagbaba ng kanyang kapatid na si Pres. Noynoy Aquino sa kanyang pwesto at bumalik na sa old house nila sa Times Street, Q.C.

Ang unang post niya ay larawan ni P-Noy sa Times Street kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby. May caption ito na “#Family #Kulitan”.

Sa larawan ay makikita ang magtitiyuhin na tila masayang nagkukuwentuhan sa sala ng bahay. May kuha pang tila nakahilig si P-Noy kay Josh at si Bimby naman ay nakatuwad sa sofa.

Ang isang larawan naman ay silang apat (Kris, P-Noy, Joshua and Bimby) na nakaupo sa sofa at may caption na “Last IG Moment before Noy starts to enjoy his quiet life & by God’s grace may true & lasting love find him.”

Sa isang larawan ay makikita naman sina Kris and Bimby na kasama ng buong Presidential Security Group (PSG) at may touching caption na “Last picture w/ our team. They all have new assignments, dropping us off in Times was the last part of their duty. Having experienced this 24 years ago in 1992 prepared me for all the emotions of today, 2016... To quote a favorite song, “And if being real means you’ll someday say goodbye, remember my friend goodbye’s not the end, it’s a circle you know and it starts with one hello” #ProudPinoy.”

Bago bumaba si P-Noy ay nag-post din si Kris ng isang magandang mensahe para sa kapatid.

“In case you get lonely, you have 3 noisy, makulit, energetic house mates (Kuya Josh, Bimby and me) ready to occupy your guest room and keep you company whether you like it or not #Thank YouPnoy In less than 15 hours, ready to take care of #CitizenNoy #FamilyFirst,” ang mensahe ni Kris sa nakatatandang kapatid.

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, sinabi rin ni Kris na plano ni Noy na dalhin sa beach sina Joshua at Bimby.

Bagong Tacloban mayor na si Kring Kring excited sa trabaho

Kahapon din ang oath-taking ng dating aktres na si Cristina “Kring Kring” Gonzalez-Ro­mualdez bilang bagong Mayor ng Tacloban City na dinaluhan ng ilang selected entertainment press.

Pinalitan ni Kring bilang Mayor ang kanyang asawang si Alfred Romualdez na nine years ding nanungkulan sa Tacloban bilang alkalde.

Ayon kay Alfred sa kanyang speech kahapon at the oath-taking, masaya raw siya na ang kanyang misis ang napili ng mga Taclobanon para pumalit sa kanya. Bagama’t magbabakasyon daw siya sa politika, pabiro siyang nagbigay ng babala na huwag daw sanang bigyan ng problema ang kanyang misis dahil hindi raw niya ito palalampasin.

After the oath-taking ay humarap sa amin si Mayora para sa isang tsikahan at bakas sa mukha niya ang excitement para sa mga proyektong nais niyang simulan.

“Ang daming gagawin pero of course, I’m blessed na I have a husband who was a Mayor for nine years, so he can give me some advice, at the same time, councilor naman din ako ng nine years, so mabuti siguro, dumaan muna ako sa pagiging councilor, to get some experience bago ma­ging Mayor.

“Excited ako na parang to solve more problems, parang ganu’n. Kasi, maraming iso-solve na problems,” pahayag ni Kring.

Sa pag-upo niya, ang pinaka-top priority daw niya talaga ay mabigyan niya ng bahay ang lahat ng 16,000 families na nawalan ng bahay dahil sa bagyong Yolanda.

“Kasi, right now, 1,000 plus (families) pa lang ang namu-move sa permanent shelters, (priority ko) na talagang lahat sila makalipat sa kanilang mga permanent na bahay, sa safe area, kasi right now, ‘yung iba, nandun pa rin sa kanilang temporary shelters, nakatira pa rin sa mga danger zone,” she said.

Napakaraming inilahad na plano ni Mayor Kring para sa Tacloban and she seemed determined naman talaga na ma-achieve lahat ito.

Kaya siyempre, mas lalong hindi na raw niya talaga maasikaso ang kanyang pagka-comeback sa showbiz at sa pagiging ina ng Tacloban muna siya magpo-focus.       

Anak ni Cristina may talent at artistahin pa

Marami ang nagulat na entertainment press nang mag-perform ang eldest daughter ni Kring Kring na si Sofia Romualdez sa Sangyawan Music Festival noong Tuesday dahil napakaganda pala ng boses nito.

Ayon kay Kring, hindi rin daw niya akalain na magiging singer ito at aminado siyang mas maganda pa ang boses ng anak sa kanya.

Papayagan ba niyang pumasok sa showbiz si Sofia?

“I think her passion is really music. Music talaga, kasi you see her, she plays the guitar. She plays the piano, she also composes songs. She’s like that, she’ll wake up and then, biglang may song, talagang ganu’n siya. Talagang music (ang hilig).

“I’m not gonna push her (to enter showbiz) or I don’t wanna like pressure her. Kasi, she has her own style, eh. So, ayokong pakialaman kung ano ang style niya.”

Pero ang nakakatuwa, ang dami na palang fans ni Sofia sa Tacloban at ang mga ito ang nagtanggol sa bagets nu’ng time na nagkaroon nga ng controversy with VP Leni Robredo at na-bash ng mga netizen.

“’Yung nagde-defend talaga sa kanya (kay Sofia), ‘yung mga taga-Tacloban, may pool of fans siya rito, and I think sa Manila rin, ‘yung sa YouTube-YouTube, I don’t know,” kwento ni Kring.

Naapektuhan ba si Sofia ng mga pangba-bash sa kanya?

“Actually, parang she became stronger. She became stronger with that, parang lalo siyang nagkaroon ng confidence. Sabi ko nga sa kanya, “you can’t please everyone,” but of course mali ‘yung sinabi niyang ano, sabi ko, “next time, think of what you (post)”, kasi she didn’t mean it naman, parang nadala lang (ng emosyon). She’s a good girl,” paliwanag ni Kring.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with